Friday, July 13, 2007

Ang Alamat ni Botvinnik at ang naunsyami kong Chess Career

Botvinnik

Noong high school ako ay nahilig ako sa chess. Ang mahirap sa akin ay medyo may pagka obsessive ako. Pagnapagtripan ko hindi ko titigilan hanggat hindi ko natutunan ang isang bagay. Kaya noong nahilig ako sa chess ay talaga namang nagresearch ako kung paano ito laruin. May mga books ang kuya tungkol sa chess at nabasa ko dito ang mga opening principles, middle game attacks at endgames. Pinagbuhusan ko talaga ito ng panahon, obsessive nga ako eh. Hanggang sa hiniram ko ang libro ng kakalase nung high school na mahusay sa ches ang pamagat ng libro ay “Mikhail Botvinnik’s 100 Best Games.” Matinik itong si Botvinnik na player. Electrical engineer siya kaya pagupo niya sa championship naging sobrang scientific and larong ito.


Nawala na yung mga deadly combinations nila Jose Raul Capablanca ng Cuba, tinatawag na pinakamagaling na natural player at naging world champion noong 1921-1927. Walang theory sa katawan itong si Capablanca. May kwento pa na habang ang mga katunggali niya sa chess ay nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng atake at depensa, itong si Capablanca ay nakikipaginuman ngunit pagnaupo sa lamesa ay mabangis pa rin. Matindi and intuitive powers ni Capablanca ngunit ng upuan siya ng theoretical player na si Alexander Alekhine ay hindi siya umubra. Yun nga lang ay asar na asar si Alekhine dahil siya ay talagang naghirap sa preparasyon samantalang si Capablanca ay patagay-tagay lamang. Maraming anecdotes si Capablanca at isa lang talaga ang hindi maalis na titulo sa kanya, ang one of the best, if not the best, “natural player.” Tinuruan siya ng tatay niya ng chess ng apat na taon pa lamang siya at ng dose anyos siya ay naging kampeon ng Cuba. Malupit ika nga.

Pinag-aralan ko ang mga moves ni Botvinnik at gayundin ay nagbasabasa ako ng iba pang mga literatuire sa chess. Nahiligan ko ang Sicilian Defense Dragon Variation (English Opening kung puti) at hanggang ngayon ay ito pa rin ang favorite opening ko pag-naglalaro ako ng chess sa lamayan ng patay.

Third year high school na ako nung napagisipan kong sumali sa intrams ng school namin. Dlal ang aking mga theory at history of chess ay buo ang loob at buo ang mukha (confident ako) na wala na sigurong uubra sa akin at sa aking Sicilian Defense Dragon Variation (sa tunog pa lang ng opening ko ay parang kung fu style na!). Kaya ng maupo ako sa lames at makaharap ko ang isang uhuging fiurst year ay para bang nainsulto ako. At ang nakakatawa pa ay ang opening niya ay yung tinatwag na Orangutang Opening o yung mga irregular opening na wala sa dictionary ng mga opening dahil walang matinong mag-oopen ng kanyang piyesa na gamit ang pawn ng rook kasi una walang centralization, walang space, walangg development (o di nagbukas ng dadaanan ng piyesa), wala lahat! Kaya sabi ko sa sarili ko, “patay kang bulilit ka!” Inupakan ko siya ng Sicilian Defense ngunit napapansin ko na habang tyumatagal ay nagiging cramp ang posisyon ko, at hanggang sa ako ay napilitang mag-resign.

Para akong binuhusan ng laman ng arenola sa muka. Sisinghot singhot pa kalaban ko samantalang ako ay pawisang umayaw.

Tapos na ang chess career ko. Tunaw sa kayabangan, puro hangin kasi ako. Actually mahirap ang chess kung seseryosohin. Time consuming yung analysis at kailangan mag-exert ka talaga ng effort sa pag-aaral nito.

Yung Orangutang opening pala, ang tawag pala dito ay delayed centralization, ay malupit na opening sa malupit na player. Mukha kang lamang sa umpisa pero pag bumanat na tepok na ang weaker player kasi ang lakas ng delayed center opening ay pagnaover extend ang mga pawn ng kalaban --di na maibabalik pa ang pawn moves. Kaya lang kung di magaling ang gagamit nito ay opening pa lang di na magsusurvive dahil sa cramp position.

Si Botvinnik ay ipinangalan ko sa alaga kung puting daga. Sa pets na lang ako babawi. Itong si Botvinnik ay babaeng dagang puti at siguro ay natukso siya sa sex appeal ng mga dagang itim sa bahay namin kaya bigla siyang nawala, dati-rati lumalapit sa akin pagsumisitsit ako. Maglaon nakita ko na lang siya sa imbakan namin ng mga magazine na nagpapasuso ng mga maliliit na mulatong daga. Naging wild si Botvinnik at hanggang ngayon pag may nagtatakbuhang mga dagang itim sa amin ay tinitingnan ko kung may mga light colored sa kanila.

Tamad na kong maglaro ng chess ngayon. Pag may patay na lang ako napapaupo sa mesa, kadalasan talunan pa ko.

Thursday, July 12, 2007

Autumn Leaves

Duet ito ng Hill-Witchinsky duo. Madali ang melody kaya naareglo ko para sa solo guitar. Sabit-sabit kasi nahihiya ako sa asawa ko na nagvivideo. Naasar na kasi sa akin.

Tango in D

Sa wakas medyo nakuha ang Tanggo in D ni pareng Isaac Albeniz. Medjo alang went pagkakatipa kasi gurang na mga daliri at isa pa mas sanay ako sa bass guitar, pero okay lang naman konting tiyaga may kalyo na uli ako. Practice lang siguro uli.

Tuesday, July 10, 2007

The Godfathers - Birth School Work Death: Punk at Existensiyalismo

Ang punk ay ang isa sa mga musika na may saysay at may sinasabi. Ang punk ay likha ng mga taong sawa na sa establisiemnto, sa relihiyon at kultura. Ang musika ay anitestablishment at anti everything. Ngunit sa likod ng mga mabibilis na tyempo, mabababaw na salita, nagngangalit na guitara, at kakaibang mga pananamit ay ang malalim na patama tungkol sa katanunga ng saysay ng buhay dito sa mundo.

Thursday, July 5, 2007

Ang Kalayaan



Naala ko ang wika ng isang theologo, “Sa aking paglalagalag, hanggang sa makahalubilo ko ang mga Unitarians. Ay babalik rin pala ako sa pundamental na paniniwala.” Ang sinasabing Unitarians ay isang iglesya na sinasabing Kristiyano ngunit ang tunay na hinahalughog ng samahang ito ay ang humanidades at hindi ang spirtwal na lakbay—o kaligtasan. Kaya walang pinanghahawakang ganap na sandigan ng pananampalataya ang mga Unitarians, bukas sila sa lahat maging Buddhist, pilosopo, Muslim at anu pa man. Manapat dapat lamang silang tawagin isang relihiyong walang diyos.

Sa pagbubukas na aking devotional blog ay sinimulan ko ito sa mga salitang “God is Sovereign”. Diyos ay Kasarinlan.”

Isa sa pinakamalaking balakid ko sa pang-unawa ng Diyos ay ang tinatawag na kalayaan ng tao. Hanggang sa mga pag-aaral namin sa Sunday school ay ito ang malaking katanungan. Paano ang kalayaan ng tao? Nasaan ang kalayaan ng tao?

Sa kaligtasan ang tanong ay papaano ito dahil pili lamang ng Diyos ang ililigtas niya?

Ito ay isang malaking bagabag lalo na sa mga nagsasaliksik tungkol sa kaligtasan at kadalasan pakiramdam ng mga taong nagtatanong ukol dito ay sila lamang ang nagtatanong nito, nalulungkot sila dahil ang mga kasagutan ay ang paikot-ikot na pagbabato sa kanila ng mga bersikulo sa Bibliya, na kayang tapatan ng iba pang bersikulo sa Bibliya na para bagang tumututol naman. Malaking bagabag, malaking kalituhan.

Panahon pa ni Agustino at ng kanyang katunggali na si Pelahiyo ang katanungan na ito. Sinabi ni Pelahiyo na gawa ng tao ang kanyang kaligtasan na mariin namang napabulaanan ni Agustino gamit ang banal na kasulatan at mga sulat ni Pablo at ang matinik niyang pangngatwiran. Noong repormasyon ay muli itong nabuklat ng mabuo ni John Calvin ang isang sistema ng theologiya na nakabase sa mga pagbubuklat ni Agustino at ibinase nama ni Agustino sa mga aral ni Pablo tungkol sa kaligtasan at ang kasarinlan ng Diyos dito. “Isang nakahintakot na katotohanan.” Ito ang wika ni John Calvin ng mahuli ng kanyang pas-iisp at puso ang katotohanang ang kaligtasan ay karapatan lamang ng Diyos. Ito ay kinontra ni Jacob Arminyo at ngayon nga ay umosbong ang dalawang magkatunggali (ngunit sa katotohanan lamang sa aking pang-unawa ito ay di tunggalian kundi magkaibang tanaw sa mgakaibang posisyon lamang) paniniwala sa kaligtasan. Isa ay nakabannga sa kasarinlan ng Diyos and isa ay nakabangga sa kalayaan nga tao.

Ngunit ano nga ba ang kalayaan ng tao? Sa mga tao na nag-aaral ng Bibliya ito ay napalaking tanong. Ngunit para sa akin ay napakalaking tulong ang pagbubuklat ng mga sulating pilosopiya at ganun din sa agham lalo na sa sikolohiya upang mabuo ang aking pagkaunawa sa hinggil sa hinihingi nating kalayaan.

Una sa pilosopiya ang tinatwag na determinismo. Sa toto lamang ang mga katwiran ng determinismo ay mababaw lamng kumpara sa pangngatwiran na ang kalayaan ng tao ay nasa ilalim ng kasarinlan ng Diyos.

Malaya ba ang tao?

Ayon kay B.F. Skinner, “ang lahat ng galaw ng tao ay dikta ng kanyang kapaligiran, sikolohiya at edukasyon.” Lahat ng kilos ng tao ay kinondisyong kondisyon. Ang kalayaang tinatawag natin, tulad ng pagpili ng ulam, paghpili ng asawa, pagpili ng softdrinks lahat ito ay di malayang gawa, kahit naba isipin nating ito ay Malaya, dahil lahat ng motibasyon natin dito ay dikta ng kapaligiran, ng katawan, ng mga patalastas.


Sagot naman ni Sartre sa determinismo ay, “Ang tao ay Malaya. Siya ay nagiging siya sa gusto niya.” Hindi ba ito ay isang pagamin na ang tao hindi Malaya, dahil siya nasasaloobin pa ng pagktao niya.

Isang sigurong magandang halimbawa ng pag-amin ng walang kalayaan ng tao at ng pagsuko niya sa anumang bagay na bumabalot sa pagkatao niya ay ang mga salita ni Martin Heidegger ang sabi niya, “ang tao ay ibinato sa mundong hindi naman niya ginawa.” Katotohanan lamang na sa paglagapak ng tao sa isang mundong wala naman siyang kinalaman sa paglalalang ay isang sapat na patunay na siya ay hindi Malaya. Siya ay nakakulong sa mga bagay na wala siyang kapangyarihan. Isang kulungan na ang magagawa na lamang niya ay mabuhay ng ayon kay Albert Camus, “Isang kaganapng tulad ng alamat ni Sissyphus. Magaakyat ng bato, na gugulong pababa at mag-aakyat uli nito. Masaya sa ganitong buhay.” Habang tayo ay nakakaranas at ang ating karanasan ay dumdikta sa ating mga kilos, ang paligid natin ay paligid na uudyok sa ating mga galaw, ang ating kinakain ay magdidikta n gating pag-uugali --hindi Malaya ang tao.

Binanatan nga ni Heidegger and phenomenlohiya ni Husserl na sinasabing dapat ihiwalay ng tao ang kanyang karanasan sa kanyang pagklasirili. Ang sigaw ni Heidegger ay impossible dahil ang tao ay ang kanyang karanasan.” Walang obhektibo lahat ay subhektibo. Kulong tayo sa ating pagkatao, sa ating pagiging walng malayang pag-iisp na lalabas sa ating mga karanasan at mga prehudisya.

Nasaan ang kalayaan ng tao? Wala pa ito sa kaligtasang espiritwal, ito ay sa paglalakbay pa lamang ng isip ng tao ngunit litaw na ang katotohanan.

Ang kalayaan daw ay nasa ating karanasan, sabi ng tagapagtanggol ng kalayaan. Kalayaan at kalayaan maraming argumento ngunit sa huli ang kanilang pagtatanggol sa kalayaan ay hindi ba patunay lamang na sila ay bilanggo ng kanilang katwiran, bilanggo ng kanilang paghahanap ng kalayaan, bilanggo na pinilit winawasak ang tanikala upang lumaya.

Sa agham napatunayan ng mga pananaliksik na ang karamihan nating inaakalang mga malayang desisyon ay mga opersayon lamang ng mga hormones.

Sabi ni Freud tayo ay ang iba nating mga kilos ay dikta ng mga subliminal na pangyayari sa atin.

Sa Physics, hindi ba’t lahat ng bagay ay sa ilalim ng gobyerno ng batas ni Newton.
(Sa pag-aaral ng quantum mechanics ay lumalabas na indeterminado lahat ng kilos ng sub-atomic particle—di uubra ang Newtonian laws. Ngunit sa obserbasyon ng mga physicist ay para bang may nagdidikta sa kilos ng mga sub-atomic particles na ito—wala pa ring kalayaan.)

Ano ba ang sinasabi ko?

Siguro may katiyakan ako sa pangunawang wala akong kalayaan dahil ang Diyos ay Diyos. Lahat ng sinabi ko sa itaas ay kayang baligtarin ng mga taong alipin ng kanilang talino upang patunayan na sila ay Malaya. Pero suko ako sa paghahanap ng kalayaan ng tao dahil ako ay mamahinga na sa kasarinlan ng Diyos.

Paano ang eternal security, paano ang sanctification, papaano ang merit, papaano ang sinasasabi ng bersikulong ito, bersikulong ito…l! Isa lang ang pundasyon ng pananampalataya na dapat matagal na tayong pinagkasia sa pagkaunawa na dahil ang Diyos ay Diyos makapangyarihan sa lahat ang kalayaan na hinahanap ng tao sa suko dito.

Basahin ninyo ng paulit ang ulit ito…

Genesis 1:1 Nang pasimula ay Diyos…


Saan ang kalayaan ng tao? Manapat dapat pa ba itong mauna sa manlalang, lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng manlalang dahil sa pasimula ay Siya na. Malinaw ito sa akin.

Mas nakakatakot ang malayang tao at limitadong diyos.

Tuesday, July 3, 2007

Isang Sulat para kay Pangulong Pierce ng America, 1855


(Isinulat ni Chief Seattle, isang mabangis na hepe ng Suquamish, Duwamish, at iba pang Salish na tribong indiong Amerikano. Noong 1830 ay naging Kristiyano at naging tagapagtaguyod ng kapayapaan. Bilang pag-alala ay pinangalan sa kanya ang bayan ng Seattle.)


Alam namin na ang mga Puti (Mga kano) ay hindi nauunawaan ang aming mga pamamaraan. Ang isang bahagi ng lupa, para sa kanya, ay katulad lamang ng isa pang bahagi dahil siya ay isang banyaga na dumarating sa gabi at kinukuha mula sa lupa ang anumang kailangan niya. Ang lupa ay hindi niya kapatid, ito ay kaaway, at kung ito ay nasupil na niya, hahayo na siya. Iniiwan niya ang libingan ng kanyang ama, ang mana ng kaniyang mga anak ay nililimutan na. Ang tanawin ng inyong mga lungsod ay masakit sa mata ng mga Pulang Tao (mga indiong Amerikano). Ngunit siguro ito ay sa kadahilanang ang mga Pulang Tao ay mga tarantado at di nakauunawa.

Walang tahimik na lugar sa lungsod ng mga Puti. Walang lugar kung saan madidinig ang pag-usbong ng mga dahon tuwing tagsibol o ang mga pagaspas ng mga pakpak ng mga kulisap. Ngunit siguro, ito ay dahil ako ay isang tarantado at hindi nakakaunawa, ang mga kalantog ay panglalait sa mga tainga. Ang mga Indio ay mas pili ang malambot na pag palaso ng hangin sa tubigan, ang samyo ng hangin na nalinis ng makatanghaling ulan o kabanguhan ng mga bunga ng punong pino. Ang hangin ay mahalaga sa mga Pulang Tao. Kasi lahat ng bagay ay iisa ang hinga—ang hayop, ang puno, ang tao. Katulad ng isang taong naghihingalo ng matagal, di niya alintana ang sangsang. (Mga Puti)

Ano ba ang tao kung walang hayop? Kung lahat ng hayop ay mawala, ang mga tao ay mamamatay sa kalungkutan ng diwa, dahil anumang mangyari sa mga hayop ay nagaganap din sa tao. Lahat ng bagay ay magkakasanib. Anuman ang kahantungan ng daigdig ay hahantungin ng kanyang mga anak.

Di mahalaga kung saan natin palilipasin ang ating mga araw, kakaunti na lamang ito. Kaunting oras, kaunting taglamig, at wala ng matitirang mga anak ng mga dakilang tribo na minsang namuhay dito sa daigdig, o iyong mga malilit na mga lupon na gumala sa kahuyan, wala ng matitirang magluluksa sa mga libingan ng mga taong minsan ay naging makapangyarihan at mapang-asa tulad ninyo.

Ang mga Puti, sila rin, ay lilipas—maaring mas maaga kaysa sa ibang tribo. Ipagtpatuloy ninyo ang pagdumi sa inyong higaan, at kayo, isang gabi, ay magigisng na lamang na nalulunod sa inyong dumi. Kung lahat ng kabakahan ay nakatay na, ang lahat ng ligaw na kabayo ay naturuan na, ang lihim na mga sulok ng mga kagubatan ay lunod na sa amoy ng tao, ang tanawin ng hinog na kabundukan ay batik ng mga nagsasalitang mga sinulid, nasaan ang mga puno? Wala. Nasaan ang mga agila? Naglaho. Ano nga ba ang pagpapaalam sa mga matutulin at sa pangangaso, ang wakas ng nabubuhay at ang simula ng pagkabuhay? Mauunawaan namin kung alam namin ang pangarap ng mga Puti, ano ang kanyang inilalarawan sa kanyang mga anak sa mahabang gabi ng taglamig, ano ang pangitain na nagliliyab sa kanilang mga isipan, upang hilingin nila ang bukas.

Ngunit kami ay mga tarantado. Ang mga pangarap ng mga Puti ay nakatago sa amin.

____________________________________
Ipinahiram sa akin ng aking kapitbahay ang kopya ng VCD ni Al Gore tungkol sa global warming. Maganda ang presentasyon, high-tech ititch kung baga. Ngunit alam naman natin na may halong politika ito, may halong prustrasyon, may halong sama ng loob at may halong eksaherasyon. Makapangyarihan ang mga apparatus na ginamit ni Al Gore, ang mga datos ay nakakagambala, ang mga eksperto ay puting-puti sa awtoridad ngunit ang sinasabi niyang mga alingasngas ay mga bulok na—balik tanaw lang tayo sa kasaysayan at alam na natin ang magaganap . Mga panis na ito dahil noon pa man ang mga manunulat at ang mga tagalupa na tulad hi Chief Seattle ay natatanaw na ang kagunawan ng mundo dahil sa pagkahaman ng konsumerismong kultura ng mga Puti na bukang hita na tinanggap nating mga kayumanggi.

Sa kahulihan sino ba ang tarantado? At sino ang tumarantado? At sino ang may pananagutan?

Nakakainggit si Chief Seattle dahil inabot pa niya ang donselyang mundo at nakakalungkot din dahil inabot niya ang lapastangang pagkakagahasa dito.

Sa mga tula na lang…