Sunday, November 25, 2007

Lakad


Lakad ng Lakad
Di alam kung saan papapadpad

Yun pala ay tutuwad
Upang magladlad
Ng tsinelas na malapad
At maglakad ng hubad

Gustong maramadaman ang banayad
Na init ng kalsadang malapad
Upang maihalintulad
Sa paghilot ng batad


Ngunit sa pag apak sa daang malapad
Sa paay tumambad
Maligamgam na babad
Para bang may sayad

Nang aking tingnan, tumambad
 Popoo na sa ihiy babad

Lakad ng Lakad
Di alam kung saan papapadpad

Friday, November 16, 2007

Lightnin' hopkins - Ang Kidlat ng Blues

Ewan ko kung bakit gustong gusto ko ang musika ng mga Negro na Blues. Nung 1990's nagtrabaho ako sa Thomas Jefferson Libarary bilang isang xerox operator at kapag wala akong "client" ang ginagawa ko ay nagbabasa ako ng mga kasaysayan tungkol sa musikang ito hangang sa mapanood ko yung "The Land where the Blues began" at talaga namang naranasan ko ang hinagpis ng simple pero rock na istilo ng musikang ito. Madalas din akong magblues pero pag-naririnig ito ng mga pinoy hindi nila kilala. Naala ko tuloy yung kapitbahay naming bulag, si Ka Idyong kung tawagin.May sarili siyang style ng paggigitara na kung ako ang tatanungin ay pasok sa blues. Magaling siya kaya tumugtog na may bass line na, may accompaniment pa at may melody pa kaya nga lang iba ang tiyempo at iba ang tunog pero blues na blues andg dating. Tuwing may awitan si Ka Idyong ang sikat pero ngayo ng mauso ang mga videoke at mga CD's si Ka Idyong ay nawalan ng trabaho. Makikita na lamang siya na tumutogtog sa mga patay at minsan sa palimusan. Kawawa naman ang mga talentadong musika na pinalitan na ng mga electronic gadgets na ito.

Ang Puno ng Mangga



Isang araw, ang hari, ng makatanggap ng isang buslo ng namimintog at matatamis na mga mangga ay humiling na magtungo sa hardin upang makita ang isang puno na nagbigay ng ganoong kagandang mga bunga. Nang dumating siya doon ay natanaw niya and dalawang puno ng mangga, isa ay may mayayabong na mga dahon ngunit walang bunga, ang isa namay puno ng bunga. Nilapitan ng kamahalan na nakasakay sa kanyang Maharlikang Elepante ang isang puno ng mangga, pumitas siya ng bunga, kinain niya at napatunayan niyang masarap. Makaraan ay nilibot niya ang hardin upang tanawin ang iba pang bahagi nito. Ang mga tagasunod at iba pang tao ay sumunod sa hari at pumitas din mula sa puno ng mangga na pinitasan ng hari. Sila ay nag-aagawan hanggang sa wala silang itinira kahit na dahon man lamang.

Pagbabalik ng hari ay nagulat siya sa tumambad sa kanyang harapan: ang puno na hitik na hitik sa bunga ay nakalbo sa dahon at sa bunga, samantalang ang isang puno na walang bunga ay matayog at mayabong pa ring nakatayo. At sinabi ng kamahalaan: “Ang kayamanan sa mundo ay palaging may kaaway; sinumang nagtataglay nito ay kahambing ng puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Dapat nating bantayan ang mga bagay na nagpapapusok sa inggit, selos at galit. Kukuha ako ng aral mula sa walang bungang mangga upang maiwaglit ko ang mga kagulumihanan, galit at mga pag-aalala sa buhay. Iwawaksi ko lahat at aking yayakapin ang buhay ng isang Rahan (isang perpektong disipulo).”

(Isinalin mula sa “The Teachings of the Compassionate Buddha”)

Monday, November 5, 2007

Message sa Jeep

Habang ako ay nakasakay sa jeep papunta sa aking school ay nabasa ko sa dashboard ang mga katagang ito:

"Ang walang kasiyahan ay nagpapahirap sa mayaman, ang may kasiyahan ay nagpapayaman sa mahirap""

Tuesday, October 30, 2007

Mga Aral ni Buddha


Pag-naririnig ko ang pangalang Buddah, ang pumapasok sa isip ko ay ang aking kababatang kapitbahay na babae na kung tawagin namin ay Buddha, siguro kasi malaki tiyan niya noon, likha siguro ng mga bulate. Ngayon siya ay isa nang nanay at pagnakikita ko siya minsan na naglalako ng mga gulay na tinatanim nila sa kanilang bakuran, nahihiya na akong tawagin siyang Buddha dahil maliit na ang tiyan niya at ako naman ang lumalaki ang tiyan. Baka pag tinawag ko siyang Buddha ay tumawa siya ng malakas at ituro ang tiyan ko at sabihing “aba George, ikaw na ata ang Buddha ngayon.” Pero di ko alam ang tunay niyang pangalan at ngayon ko lang nalaman na sa tagal naming magkakalaro noon maliliit pa kami ay ni hindi ko man lamang ito naitanong. Nakakatawa!

Noong isang araw, sa paghahalungkat ko ng mga lumang libro sa Ever Gotesco Mall (tabi, tabi po! Sabi nila ito daw ang safest mall kasi karamihan ng nagtitinda ay mga muslim) ay nakadampot ako ng libro na may pamagat na “The Teachings of the Compassionate Buddha.” At natutuwa naman ako dahil magaganda ang mga nilalalaman nito. Kahit hindi ko pa natatapos ang libro ay nabusog na ako sa mga kaalaman ditto.

Ano nga ba ang pananaw ni Buddh patungkol sa mga bagay na malalalim patungkol sa buhay o yung mga metaphysical questions. Sabi ng iba ang paliwanag na ito ni Buddha ay agnosticism pero ayon sa aklat ito ay isang pananaw na kung saan ang Buddha ay hindi nag sasalita ng tapos. Hindi katulad ng ibang mga guro tulad ni Jesus o ni Muhamad, si Buddha ay hindi umangkin ng kabanalan o kadiosan, kaya ang kanyang mga turo ay patungkol lamang sa katotohanan at ang pagkakaiba nito sa mali.

Ito ang pananaw ni Buddha patungkol sa mga katanungan:

“Ganito ito Malunkyaputta (ang sagwa naman ng tunog!), ang isang tao ay natudla ng isang palsaong tinubog sa lason at ang kanyang mga kaibigan at kasama, mga kamag-anak, ay ikukuha siya ng manggagamot ngunit kung ang sasabihin ng biktima ay ‘ Huwag ninyong bunutin ang palaso hanggang hindi ko nalalaman kung ang tumudla sa akin ay isang mandirigma, o isang pari, o isang magsasaka, o isang alipin.’”

“Mamatay ang taong iyon, Malunkyaputta, ng hindi ito nalalaman. Sa ganoon ding pamamaraan, Malukyaputta, sinuman na magsabi na, ‘hindi ako susunod sa buhay relihoyoso hanggang hindi ipinapliwanag sa akin na ang daigdig ay may wakas, o ang daigdig ay walang wakas…o may taong banal, o walang taong banal sa kabil ng kamatayan—ang taong iyon, Malunkyaputta, ay mamatay bago pa man ito mapaliwanag ng Tathagatha.
Ang relihiyosong buhay, Malunkyaputta, ay hindi nakasandal sa paniniwalang ang daigdig ay may wakas o wala. Kahit na ang paniniwala ay ang daigdig ay may wakes o wala, nandiyan pa rin ang kapanganakan, katandaan, kamatayan, kalungkutan, paghihinagpis, pagdurusa, pagluha…
Lagi mong tatandaan, Malunkyaputta, ang aking mga ipinaliliwanag at ang mga hindi ko ipinaliliwanag…

Ang mga aral ni Buddha! Minsan naiisip ko tuloy ang sinabi ni Anselm patungkol sa mga Di-kilalang Kristiyano o yung mga tao na nabigyan ng kaalaman ng Logos ng Diyos at ito ay naihayag sa ibat-ibang kultura. Mya aninag sila ng kaalaman at karunungan patungkol sa Diyos ngunit kulang ito, di tulad ng kay Kristo.

Kagalang-galang itong mga taong ito.




Thursday, October 25, 2007

Words of Wisdom from Bob Ong

"Ang pinakamainam na paraan para magingdukha ay ang maging matapat" -Bibe

"Paggawa na ba ng kabutihan ang hindipaggawa ng kasamaan?" -Matsing

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ngwala.." -Ulang

"Ang liit at laki ay nasa isip lang,nasa pagsisikap lang yan ng tao!" -Langgam

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isangbagay kesa magtagumpay sa paggawa ngwala..." -Tong

"Paru-p aro ako..kulay brown lang angpakpak!!" -Ipis

Monday, October 22, 2007

Walking Blues/ Wala lang magawa!

Natatawa yung anak ko sa pinaggagawa ko sa buhay ko. Pagkatapos kung tugtugin ito, mayamaya lang naririnig ko na yung anak ko nag nagbu-blues.