Friday, July 6, 2012

Inuulit na pangngalan


Katatapos ko lang magpabasa ng mga paala-ala bilang pagganyak sa aking leksyon sa Filipino at akin nang tinatalakay ang ibat-ibang anyo at pagkakabuo ng pangngalan.




"May ibat-ibang paraan ng pagbubuo ng pangngalan. Mayroon tayong anyong payaka tulad ng:

  1. papel
  2. silid
  3. bansa
  4. burol 
  5. tao guro

May mga anyo naman na gumagamit ng ng panlapi tulad :

  1. baybayin
  2. mag-aaral
  3. paaralan
  4. kalayaan
  5. basurahan
May mga anyo rin ang pangngalang inuulit-ulit tulad ng:

  1. araw-araw
  2. bali-balita
  3. bahay-bahayan
  4. ari-arian
May mga pangngalan ding tambalan tulad ng:

  1. maya-kapra
  2. bahay-kubo
  3. barong-tagalog
  4. silid-aralan
Okey, tingnan ko nga kung kaya ninyong magbigay ng mga halimbawa ng ibang-anyo ng pangngalan?

Ikaw Joshua magbigay ka ng halimbawa ng inuulit na pangngalan...

Joshua: Sir! pek-pek!


Tuesday, May 1, 2012

Marinig ang katahimikan



Ang ganda ng gabi

Tahimik parang libingan
Payapa parang kanlungan
Alang ingay kaunti man
Naririnig ultimo kaluskos sa kalan
At hilik ng kapitbahay na sa tulugan

Payapang payapa
Parang alapaap
Na parang bulak
Bagsakan man ng babasagin
Sasaluhin
Alang ingay
Ni kalantog man lang

Paano ‘ko aantukin
Kung ito ang oras na may kapayapaan
Bakit ‘ko tutulugan
Ba’t sasayangin and pagkakataon
Na makarinig ng katahimikan?