Friday, January 18, 2008

Ang mga Kapuso ng Channel 7 at ang mga kapamilya ng Channel 2

(“Empty Caviar!” O sa Latin “Caveat Emptor!” o sa Filipino “Mag-ingat sa Aso!” Ang manunulat ay kasalukuyang gumagawa ng test sa English para sa kanyang mga estudyante. Asahan na ninyo na lalabas lahat ng kainisan niya sa TV na isturbo sa kanyang pag-iisip (as if naman!) sa artikulong ito.)

Nagulat na lang ako isang hapon ng marinig ko si Mike Enriquez na nagdadadaldal tungkol sa pagdedemanda ng channel seven laban sa ABS CBN channel 2. (Kapuso Network! To tell the truth I miss the days when GMA Channel 7 was called the Rainbow Network. Magaganda palabas at medyo “Christian” pa ang values nito. Naririnig ko pa ang “Halelluya, Kings of kings and Lord of Lords!”” na pang sign on nito at pangsign off. Ngayon ang pang sign of ay ang demanda nila sa ABS CBN ang pang sign off ay ang demanda nila sa ABS CBN. At Buti pa noon gang Chanel 2 ay Banahaw kasi si Ike Lozada lang ang nakikita kong nakabara palagi sa TV. Malaki na talaga siguro kalugihan ng mga Lopez kasi parang desperado na itong mga primeron-dinerong-y-alta sociedad na mga taong ito upang makipaglaban ng ganito. Noong nagtatrabaho pa ako bilang isang muchacho sa isang bangko ay naririnig ko na ang paghina ng negosyo nitong pamilyang ito. Sana naman nacarecover na ito sa mga maling business ventures sa mga powerplants. Ehhhhhh…I’m no economist nor am I a banker. These are all stupid theories. Brrrr…)

Ang demanda ay nag-ugat sa paratang ng ABS CBN na sinabi daw ng AGB Nielsen (the company na nagsasagawa ng ratings) na umupa ang GMA 7 ng mga tao upang suhulan ang taong may monitoring device ang kanilang mga TV upang mag tune in sa 7. Ang sagot ng 7 ay kasinungaligan!

At iyon nagkademandahan na!

Sabi ng channel 2 sila ang biktima.

Sabi ng 7 sila ang biktima.

Pweeeee……parang mga pulitiko na rin itong mga network na ito. Pupunta sa mga probinsya na alam nilang may concentration ng monitoring device ang TV at doon magpapamudmod ng goods in the name of promoting the channel legitimately. Sino engot? Kung ang lugar na iyon na kanilang pinagaawayan ay alam nilang walang mga monitoring device, sa ngalan ng katotohanan, sa tingin ko eh hindi magkukumahog mag promote itong mga tinamanan ng 50,000watts energy na mga network na ito.

What they are doing is very similar, if not the same guerrilla electioneering cum direct-indirect vote buying technique used by our super diabolical anaerobic politicians. Hey common sense, why would a TV network give away groceries? This is the first time I heard of it being done. Ok sana kung sa mga lugar na walang TV, o sa mga tribal areas, o sa mga lugar na talagang kailangan ng groceries but in place where there are TVs and where there are monitoring devices on TV…naala ko yung isang movie na napanood ko. Si Danny De Vito yata yung bida. May TV show silang walang kakwenta-kwenta na ang katapat ay football, the national sport ng America. These guys concocted a plan to make their show beat NFL, which is like “Ating Alamin ni Ka Gerry Geronimo” beating “S-Files” (showbiz chismis is the Philippines national sport). Danny De Vito and his gang got the list of all the household equipped with a monitoring device and they managed to make most of them tune to their show. The idea is very similar to what GMA 7 and ABS CBN is doing. Though their operations, these campaigns by the networks, seems legit on the surface but on principle it is not!

They are electioneering and ABG Nielsen is playing with it. Dapat walang nakakalam ng area kung saan may monitoring device for how can their ratings be objective pero how come may nakakaalam? How come na napupuntahan ng mga network and lugar upang mag conduct ng campaigns. Aba santisima, minsan dala pa lahat ng kanilang mga artista at doon mag-wawagwag ng kanilang mga star powers! Tell me in the name of Odin if this is not pure and simple dirty tactics!

Ngayon nagdedemandahan itong mga walang kwentang mga network na ito! Susmaryanong garapon buti na lang magaganda pa rin mga English movies sa channel 9!

Dati ang nag-aaway at nagpaparinigan lang ay mga host ng mga walang kakwenta-kwentang TV noontime shows katulad ni Joey de Leon vs. Willy “the Wily” Revillame and his hot car, showbiz talkshow parasites katulad ni ehhhemmm baka mademanda! and their hypnotized, numbed fans peron ngayon, nakakapagtaka na nakakalula na nakakabaliw…pati VP, President, attorneys ng mga network ay panay labas ang mukha sa TV and they kept telling the people that what they are doing is not a trial by publicity! Ampalaya con carne, iho de iha, give me combantrin or give me death!


I don’t know, but the rivalry between these two networks is becoming more and more childish by the day. Bakit di nalang kaya sa Barangay muna sila mag-usap at ng makatipid sila.

Buti na lang ok na si Ate Vi at si Ate Guy dahil kung sila ay nasa magakabilang network….naku po I dare not imagine what would have happened!

Rebellion and insurgency! I pray over ko kaya TV namin!? Wag ang dami na palang mga preachers sa loob ng TV na panay ang pray over!

Friday, January 11, 2008

Mga Fearsome Broadcast for 2008 and Armageddon


Pasensya na sa aking mga masugid na mambabasa, ang inyong lingcod na kritiko, pilosopo at di mo maintindihan kong komunista o manikuristang komentarista ng mga kaganapan sa aming bansa at lipunan, dito sa ating panahon o sa kabilang buhay man ay nagbabalik upang…hmmm…mag-papampams.

Pagbukas ko pa lang ng telebisyon bago maglaho ang 2007 at pumasok ang 2008 ay bumuluga na ang mga balita tungkol sa mga nasabugan at naputukan ng mga tinamanan ng lintik na mga paputok na taon-taon yata ay lumalaki at lumalakas. Walng kadala-dala talaga.

Sa tanda kong ito ay nagging indikasyon na para sa akin ang lakas ng ekonomiya ng bansa sa aga at dami ng mga nagpapaputok. Noong ako ay nasa teen-age years, Setyembre palang ay may mga ammunitions na kami ngunit ngayon ay malalakas na nga ang mga paputok ngunit padalang na ng padalang. Ito ay obserbasyon ko lamang sa aming lugar habang tumatagal ang panahon.

Sardinical Diarrhea


Naalala ko noong ako ay Boy Scout pa. Ito ay noong ako ay nasa elemetarya sa ilalim ng pagtuturo ni Sir Gonzaga. Si sir Gonzaga ang scout master naming noon. Maliit na lalaki na singkit ang mata na miski ngayon na retirado na siya ay mukha pa ring baby. Anyways, naalala ko noon na tuwing may camping kami, ang paboritong naming baong delata ay sardinas. Bilang isang boy scout ang pagbubukas ng sardinas noong mga panahong iyon ay hindi basta-basta, may style o technique ito. Kailangan ang lata ng sardinas ay sa ilalim bubuksan upang hindi madurog ang isda. Ito ay sa kadahilanang ang isda ay siksik at dahil ang pagkakalagay sa lata, sa ilalim ay papaliit ang mga putol ng isda, kaya pag dito idinaan and mga isda ay madaling mahulog. Kung sa kabilang bahagi naman ng lata idadaan, madudurog ang mga isda dahil papasiksik sila ng papasiksik.

Ang pagpapalabas ng isda mula sa lata ng sardinas noon ay parang isang taong tinitibi, o may constipation, mahirap at nakakfrustrate dahil nadudurog ang mga isda. Kaya isang lata ng sardinas noon, haluan mo lang ng isang damakmak na talbos ng kamote ay kayang pakainin ang isang patrol ng mga boy scouts. E ngayon pagbumibili ako ng sardines, pagbukas ko ng abrealata ay para bang may diarrhea na ito. Hindi mo pa naitataob ang lata ay bumubulwak na. Naala ko tuloy pag ako ay…hmmmm….wag na nga. Nakakalungkot dahil ang mga isda ng sardinas ngayon ay bangkaliliit, parang mga dilis, parang chinild abuse yung mga sardines.

Ngayon yung isang lata ng sardines, hindi kayang busugin, kahit haluan ko pa ng kanin, yung aso namin. Wala ng kwenta eh, ultimo yung tomato sauce malabnaw pa sa dugo ng atsweteng me regla.

Uling at Gasul

Ito ang nakakayamot. Ang mahal ng cooking gas dito sa Pilipinas ngayon kaya ang mga pobre kong mga kababayan, kasama na ako diyan, ay napupuwersang magluto sa uling. Dati pagbumili ka ng uling ang unang papasok sa isip na mga tao eh, mag-iihaw ka! Ganoon, paano kasi ay matrabaho magparingas nito at saksakan ng tagal makaluto. Pero ngayon, dahil sa mahal ng gasul,ang mga tao uling na ginagamit pagluluto. Ang problema dito ay, ang uling ay mula sa puno. Ngayon pati uling ay nagmamahal na, at sa taas ng demand dito ay ilang puno kaya ang pinapatay para lang gumawa nito. Nag logban nga ang gobyerno pero dahil sa taas ng gas, eh ultimong mga puno sa bakod ngayon ay tinitira na upang gawing uling!

Konting concern lang, bakit kaya hindi magisip ang pamahalaan ng efficient cooking fuel. Bakit hindi sibaking yang mga politiko at gawing panggatong…

Dahil sa ako ngayon ay medyo busy at mas madalas ang atake ng aking katamaran ay gagawin ko na lamang lingguhan ang pagsasabit dito sa aking blog. Dati kasi pagtrip kong mag blog e trip ko…kaya lang napapansin na medyo nagiging busy na ako.