Pasensya na sa aking mga masugid na mambabasa, ang inyong lingcod na kritiko, pilosopo at di mo maintindihan kong komunista o manikuristang komentarista ng mga kaganapan sa aming bansa at lipunan, dito sa ating panahon o sa kabilang buhay man ay nagbabalik upang…hmmm…mag-papampams.
Pagbukas ko pa lang ng telebisyon bago maglaho ang 2007 at pumasok ang 2008 ay bumuluga na ang mga balita tungkol sa mga nasabugan at naputukan ng mga tinamanan ng lintik na mga paputok na taon-taon yata ay lumalaki at lumalakas. Walng kadala-dala talaga.
Sa tanda kong ito ay nagging indikasyon na para sa akin ang lakas ng ekonomiya ng bansa sa aga at dami ng mga nagpapaputok. Noong ako ay nasa teen-age years, Setyembre palang ay may mga ammunitions na kami ngunit ngayon ay malalakas na nga ang mga paputok ngunit padalang na ng padalang. Ito ay obserbasyon ko lamang sa aming lugar habang tumatagal ang panahon.
Sardinical Diarrhea
Naalala ko noong ako ay Boy Scout pa. Ito ay noong ako ay nasa elemetarya sa ilalim ng pagtuturo ni Sir Gonzaga. Si sir Gonzaga ang scout master naming noon. Maliit na lalaki na singkit ang mata na miski ngayon na retirado na siya ay mukha pa ring baby. Anyways, naalala ko noon na tuwing may camping kami, ang paboritong naming baong delata ay sardinas. Bilang isang boy scout ang pagbubukas ng sardinas noong mga panahong iyon ay hindi basta-basta, may style o technique ito. Kailangan ang lata ng sardinas ay sa ilalim bubuksan upang hindi madurog ang isda. Ito ay sa kadahilanang ang isda ay siksik at dahil ang pagkakalagay sa lata, sa ilalim ay papaliit ang mga putol ng isda, kaya pag dito idinaan and mga isda ay madaling mahulog. Kung sa kabilang bahagi naman ng lata idadaan, madudurog ang mga isda dahil papasiksik sila ng papasiksik.
Ang pagpapalabas ng isda mula sa lata ng sardinas noon ay parang isang taong tinitibi, o may constipation, mahirap at nakakfrustrate dahil nadudurog ang mga isda. Kaya isang lata ng sardinas noon, haluan mo lang ng isang damakmak na talbos ng kamote ay kayang pakainin ang isang patrol ng mga boy scouts. E ngayon pagbumibili ako ng sardines, pagbukas ko ng abrealata ay para bang may diarrhea na ito. Hindi mo pa naitataob ang lata ay bumubulwak na. Naala ko tuloy pag ako ay…hmmmm….wag na nga. Nakakalungkot dahil ang mga isda ng sardinas ngayon ay bangkaliliit, parang mga dilis, parang chinild abuse yung mga sardines.
Ngayon yung isang lata ng sardines, hindi kayang busugin, kahit haluan ko pa ng kanin, yung aso namin. Wala ng kwenta eh, ultimo yung tomato sauce malabnaw pa sa dugo ng atsweteng me regla.
Uling at Gasul
Ito ang nakakayamot. Ang mahal ng cooking gas dito sa Pilipinas ngayon kaya ang mga pobre kong mga kababayan, kasama na ako diyan, ay napupuwersang magluto sa uling. Dati pagbumili ka ng uling ang unang papasok sa isip na mga tao eh, mag-iihaw ka! Ganoon, paano kasi ay matrabaho magparingas nito at saksakan ng tagal makaluto. Pero ngayon, dahil sa mahal ng gasul,ang mga tao uling na ginagamit pagluluto. Ang problema dito ay, ang uling ay mula sa puno. Ngayon pati uling ay nagmamahal na, at sa taas ng demand dito ay ilang puno kaya ang pinapatay para lang gumawa nito. Nag logban nga ang gobyerno pero dahil sa taas ng gas, eh ultimong mga puno sa bakod ngayon ay tinitira na upang gawing uling!
Konting concern lang, bakit kaya hindi magisip ang pamahalaan ng efficient cooking fuel. Bakit hindi sibaking yang mga politiko at gawing panggatong…
Dahil sa ako ngayon ay medyo busy at mas madalas ang atake ng aking katamaran ay gagawin ko na lamang lingguhan ang pagsasabit dito sa aking blog. Dati kasi pagtrip kong mag blog e trip ko…kaya lang napapansin na medyo nagiging busy na ako.
No comments:
Post a Comment