Sunday, February 3, 2008

Edukasyon at Agham: Agham at Edukasyon, Mga Kuliling ng Terminilohiya.

(Teka muna! Natutuwa ako dahil yung best friend ko sa campus, yung aming cartoonist at artist na sasabak ngayon sa Luzon competetion ay may blog na rin at interesting ang kanyang mga posts!)


Minsan sa aking pagbabasa ng mga sulatin patungkol sa edukasyon at pagtuturo ay nagugulantang ako sa aking mga nadadaanan. Ako ay guro at bilang guro, ako ay patuloy na nagdadag ng aking mga kaalaman patungkol sa mga makabagong kaganapan sa agham, sining at pamamahala ng edukasyon. Ito ay dulot na rin ng pagnanasa na maibigay ang kalidad ng edukasyon para sa aking mga mag-aaral.

Dumaan ako sa proseso ng tradisyonal na edukasyon at nalaman ko ang mga bagay na pinagdaanan naming noong maliliit pa kami bilang mga estudyante sa mababang paaralan at ditto sa ngayon, sa mahigit tatlong dekada ng layo ng aking pagtuntong sa elementarya, hanggang sa ngayon na ako ay nagtuturo na ay nakita ang mga pagbabago na dulot ng teknolohiya at agham. Sa teknolohiya, wala tayong magagawa sa pag-unlad. Tulad noon walang computer, vcd dvd kaya ang mga bata iba ang pananaw sa buhay. Medyo organiko pa ang kaisipan, makakalikasan pa, may takot pa sa nuno sa punso at sa mga matatanda, pero ngayon, ultimong actual na paggilit sa leeg ng isang tao, pagtatalik ay kayang tanawin ng isang musmos sa pamamagitan ng internet.

At sa pag-unlad ng kaalaman, pagunlad ng ispesyalisasyon, umunlad rin ang mg pananaw ng tao. Nagkaroon ng mga pagbabago lalo na sa wika at sa pananlita. An gating pang-araw araw na mga salita ay nahahaluan na ng mga salitang techno katulad ng “cyber”, “internet” “3G”, “Microwave”, “Text” mga salitang bumalik ka lamang ng ilang taon ay mga salitang walang kahulugan dahil walang tinutukoy. Pero ngayon ultimong bata, kung ang kakausapin ay ang tao ng nakaraang dekada, ay siguro hindi na maiintindihan.

Dito umsubong na rin ang mga “prestihiyosong” mga kurso tulad ng “IT”, “ComSci” at iba pang mga in na courses ngayon. Umunlad din ang mga karera na nakatali sa teknolohiya, tulad ng mga ininhiyero, arkitektura, medisina at iba pa. Nagkaroon ng mga espesyalisasyon at nagkaroon ng mga pribadong wika itong mga antas ng mga kaaralan nitong mga taong ito.

Pag-nagusap ang mga doctor, siyento porsyento, kung hindi ka doctor, eh, para kang nakikinig ng Chinese. Ganoon din ang mga abogado, mga engineers atbp. Para bang nagging sombrero ng kataasan ang tinatawag sa ingles na “technical terms’ o jargonism. Sa tanaw, ang jargonism ay isang uri ng diskriminsayon, isang uri ng pagsasabing angat kami, may sarili kaming mundo at ang mundong ito ay kinapapalooban lamang ng mga taong nag-si pag-aral ng pinag-aralan namin. Matindi kami, may teritoryo kami na hindi kahit sino-sino lamang ay makakapasok—ha, may propesyonal na bayad and bawat salita namin. Bawat tanong may presyo! Doktor, abogado, inihiyero, arkitektor lahat…may mundo na nabubukod ng salita.

Sa paglingon at sa pag-alala ng kabanalan ng edukasyon, ang pangunahing adhikain ng pagtuturo ay ang gawing malawak ang kaalaman ng pinaglilingkuran ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapasa ng kaalaman sa pinakamdaling pamamaraan na kakayanin.Siguro ang pinakamadaling pamamaraan ng pagsasabi nito ay ang gawing heneral ang kaalaman. Pagpapalawig ng kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay sa pinakasimple, ngunit hind pinakamadaling pamamaraan. AT ditto papasok ang wika. Sa aking pagbabasa ay para bang nagiging seloso na rin ang mge edukador sa pagkakaroon ng sariling mundo ng mga ibang propesyon. Parang ang pakiramdam ng mga edukador ay mas makakabuti ang pagtatago sa mga jargons upang mabigyan ng maka-agham at makateknolohiya at makamodernong maskara ang edukasyon. Naiinggit na ang mga edukador sa mga doktor ng medisina, mga abogado na kung mga magsalita ay para bang nakakagulat dahil angat ang kanilang mga wika.

Ano pat at ang edukasyon ngayon ay puno na rin ng jargonism. Ang dating pananaw na ang edukasyon ay dapat abot kaya hindi lamang ng bulsa kundi pati ng pang-unawa ng pangkaraniwang mamayan at karaniwang guro ay tila ba ipinagkanulo na rin upang mabigyan lamang ng pantay na estado ang mga edukador sa mga “prestihiyosong” mga propesyon.

Halimbawa na lang ang mga salitang nag-uukol sa mga problema sa katutunan. Dati ang twaga sa mga hirap umunawa ay mga “bobo” mga “kamote” at “mahihina ang ulo.” Ngunit sa kadahilanang pangit pakinggan ang mga ganitong salita, ngayon ay para bang mga gamut sa sakit ng ulo na naglabasan ang mga salitang “Dyslexia,” “Dyscalculia,” ADHD, ADD, mga probelmang pangkatutunan na pinalitan ang mga pangalan upang maging politically correct, upang hindi maka sakit. Pero ano ba ang nangyayari, sa pagpapalit ban g pangalan at pagiimbento ng mga scientific names ay may mga solusyon bang bago na ibinigay ang mga taong nagpangalan nito. Wala naman ah, dahil maging dyslexia man iyan, o dyscalculia, o ADD o ADHD ang solusyon pa rin, makalipas ang mga pag-aaral, ang pamamaraan pa rin ay paglalaan ng oras sa mga taong mahina ang ulo, mga taong kamote. Tawagin mo mang dyslexia iyan o ano pa man, ang solusyon na ibinibigay ng mga pag-aaral na ito ay ito pa rin: tuktukan ang may dyslexia, mahalin ang may autism, bigyan ng attensyon…mga bagay na alam na ng mga sinaunang edukador, ng mga unang guro natin, ng mga nagpapaunlad ng kaisipan, alam nila na ang solusyon sa mga kamote ay mahalin sila—lahat iyan ay alam ng ating mga nanay. Aba sa milyon-milyong ginastos upang masoluyunan ang problema, ay tumingin ka lang sa nanay mo, sa tiyaga niya pagtuturo sa iyo…may naidagdag ba?

Sa milyong-milyong ginastos upang pag-aralan ang mga karamdaman sa katutunan, banding huli ang solusyon ay palitan ng pangalan ang mga ito. Ha, saan ka pa, tunog makaagham, tunog high tech, tunog mayaman pag ang tao ay sinabing may dyslexia.

Pero sa malalim na pagtanaw ano ba ang pagkakaiba pagtinawag ang isang tao na may dyslexia at kamote dahil sa katotohanan lamang, ang pagiging politically correct ng salitang dyslexia (o dyscalculia etc.) ay wala na dahil ang katumbas ng kamote ngayon ay dyslexia dahil ang normal na tao tawagin mong dyslexic ay halos pareho ang mararamdaman kung tawagin mo siyang “kamote.”

Sabi nga ni Shakespeare “A rose by any other name…”

Ang Edukasyon ay para na ring alien. Sa pagpipilit na maging prestihiyoso dahil sa tingin nila ay napakababa na nila kumpara sa iba pang propesyona, ang edukador ay lalong napapalayo sa kanyang tawag na magturo.

Sino ba iintindi sa edukasyon kung sila rin ay may sarili nang mundo.

Ano pa at tama si Toyong nung sinabi niyang “Lokal, walang Budget!”

Saturday, February 2, 2008

phenomenology hindi nakakain

(Achtung! Ang manunulat po ay galit sa school pero siya po ay isang guro. Mag-ingat sa mababasa dahil ang laman po ng sanaysay na ito ay mga kabag ng sobrang pag-inom ng kape!)

Ako po ay mambabasa ng pilosipiya at una ko pong na encounter itong word na Phenomenology ng mabasa ko ang isang essay patungkol sa pag-aaral ng method ng reflection ni Edmund Husserl at ganoon din ang method ni Gabriel Marcel. Sa katotohanan lamang ang pagkakaintindi ko sa phenomenology ay…hmmm…sabi kasi ni Marcel may dalawang klase ng reflections 1. Primary reflection at 2. Secondary reflection blah, blah…. Kay Edmund Husserl naman ay may three steps 1. Epoche (epok ang bigkas nito at hindi “iputse”) 2. The phenomenological Eidetic Reduction. At 3. ay ang Phenomenological Transcendental Reduction….at dito sa pagbabasa ko ng mga sanaysay o mga philosophical essays o essays on philosophy ditto ko narealize na …sa tagal ng aking pagcoconcentrate at pag-uunawa at migraines at pagkonsulta sa dictionary… narealize ko na ang phenomenology ay hindi nakakain.


Penomenolohiya sa exams at test sa school


Hmmmmm…sa aking kursong edukasyon, lalo na sa pinakasusumpa kong subject na “Measurement and Evaluation” ay narealize ko ang isang malaking-tamang-kamalian-na mali sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas! Ang test o exams!

Ano nga ba ang sinusukat ng tests o examinations?

Sa eksperyensya ko sa college ang examinations ay isang uri ng torture, o isang uri ng pleasure at isang uri ng walang kakwenta-kwentang bagay. May test akong naranasan kung saan kulang na lang ay ultimong mong dighay at utot ng instructor ay ipa-enumerate! Minsan naiisip ko, bakit hindi na lang kaya kami pabilihin ng libro at ipasa naming ito sa kanya. Ganoon din naman kasi iyon eh!

Meron naming instructor na magbibigay ng reviewer na para bang kulang na lang eh ibigay ang questions! Ahhhhh…that’s what I call pleasure!

At meron naming examinations at tests na buti pa matulog ka nalang kasi alam mo naman na hindi iyon ang pagkukunan ng grade.

I actually favor this kind of grading yung subjective.

Halimbawa:

“Ahhhhh….kilala ko itong estudyanteng ito. Walking CD writer ito. Malaki ang memory pero mahina ang processing power. Perfect ang exam niya pero pag-nerephrase mo yung mga questions zero na! Bagsak ito!”

“Ahhhhh….pustahan tayo zero sa exam itong batang ito. Pero napapansin niya lapses ko, nakikita kong laging nagdradrawing ng kung ano-ano, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi….ehehhhh…pasado ito kasi creative ito!” See the logic. There are things that goes beyond measurement and tests, it is called genius or autism.

Ano nga ba ang minemeasure ng exams at tests?

Knowledge o memory o intelligence o sipag sa pagsusulat sa notebook?

Talagang hindi ko malilimutan yung experience ko sa college. Pagnagtetest kami parang mga bubuyog na may diarrhea ang mga kaklase ko na nagmememorize ng kung ano-ano man. Bzzzzzz……Bzzzzzzzz Kuya George hindi ka nagrereview? Pakikita ko yung reviewer ko na kinomputer ko pa para organized…pero sintemyento de kwarenta singko hindi ko mabasa at hindi ko maisaulo dahil ultimong salamin ko minsan nalilimutan ko! Perfect ang result ng iba sa aking classmate and I respect the effort! Pero pag nagpost examination discussions na, mga zombie na. Kasi nung magcram, pinuno ang ulo ng mga information na undigested, parang naglagay sa ref ng gulay o foods, paglabas empty na. I believe they learned something naman but not as much as it should be.

Just what in the world do tests and examinations measure?

Ngayon ko lang narerealize ang beauty ng naturalist philosophy ni Rousseau. “Hayaan mong matuto ang bata sa kanyang pamamaraan.” The traditional method of education has its limitations na as the years go, o habang umiinog ang panahon ay unti-unti ng napagiiwanan.

Siguro kailangan ko ng tapusin ang test na ginagawa ko! (As I am making this test, I am not thinking as a teacher. I am thinking as a student and…my gulay…I hate tests and examinations whether I am the one making it or I am the one taking it.)

Just what in the world do tests and examinations measure?

Maybe, it measures how well the teacher did his/her job. This is what I fear!


Bakit phenomenology ang title! Unang-unang, arresting-nakagulat at baka makafake. Pangalawa nung ako po ay nagbabasa ng mga literature mula sa ibat-ibang colleges at universities ay madalas kong nakikita ang word na ito na pagbinasa ko naman ang mga essay ay… parang nagbasa ako ng phenomenology…na hanggang ngayon ang pagkakaintindi ko lang ay hindi ito kinakain!.

Grrrrrr…….more coffeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!! And Antaccccciiiiiiiiddddddsssssssss!!!!