(Achtung! Ang manunulat po ay galit sa school pero siya po ay isang guro. Mag-ingat sa mababasa dahil ang laman po ng sanaysay na ito ay mga kabag ng sobrang pag-inom ng kape!)
Ako po ay mambabasa ng pilosipiya at una ko pong na encounter itong word na Phenomenology ng mabasa ko ang isang essay patungkol sa pag-aaral ng method ng reflection ni Edmund Husserl at ganoon din ang method ni Gabriel Marcel. Sa katotohanan lamang ang pagkakaintindi ko sa phenomenology ay…hmmm…sabi kasi ni Marcel may dalawang klase ng reflections 1. Primary reflection at 2. Secondary reflection blah, blah…. Kay Edmund Husserl naman ay may three steps 1. Epoche (epok ang bigkas nito at hindi “iputse”) 2. The phenomenological Eidetic Reduction. At 3. ay ang Phenomenological Transcendental Reduction….at dito sa pagbabasa ko ng mga sanaysay o mga philosophical essays o essays on philosophy ditto ko narealize na …sa tagal ng aking pagcoconcentrate at pag-uunawa at migraines at pagkonsulta sa dictionary… narealize ko na ang phenomenology ay hindi nakakain.
Penomenolohiya sa exams at test sa school
Hmmmmm…sa aking kursong edukasyon, lalo na sa pinakasusumpa kong subject na “Measurement and Evaluation” ay narealize ko ang isang malaking-tamang-kamalian-na mali sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas! Ang test o exams!
Ano nga ba ang sinusukat ng tests o examinations?
Sa eksperyensya ko sa college ang examinations ay isang uri ng torture, o isang uri ng pleasure at isang uri ng walang kakwenta-kwentang bagay. May test akong naranasan kung saan kulang na lang ay ultimong mong dighay at utot ng instructor ay ipa-enumerate! Minsan naiisip ko, bakit hindi na lang kaya kami pabilihin ng libro at ipasa naming ito sa kanya. Ganoon din naman kasi iyon eh!
Meron naming instructor na magbibigay ng reviewer na para bang kulang na lang eh ibigay ang questions! Ahhhhh…that’s what I call pleasure!
At meron naming examinations at tests na buti pa matulog ka nalang kasi alam mo naman na hindi iyon ang pagkukunan ng grade.
I actually favor this kind of grading yung subjective.
Halimbawa:
“Ahhhhh….kilala ko itong estudyanteng ito. Walking CD writer ito. Malaki ang memory pero mahina ang processing power. Perfect ang exam niya pero pag-nerephrase mo yung mga questions zero na! Bagsak ito!”
“Ahhhhh….pustahan tayo zero sa exam itong batang ito. Pero napapansin niya lapses ko, nakikita kong laging nagdradrawing ng kung ano-ano, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi….ehehhhh…pasado ito kasi creative ito!” See the logic. There are things that goes beyond measurement and tests, it is called genius or autism.
Ano nga ba ang minemeasure ng exams at tests?
Knowledge o memory o intelligence o sipag sa pagsusulat sa notebook?
Talagang hindi ko malilimutan yung experience ko sa college. Pagnagtetest kami parang mga bubuyog na may diarrhea ang mga kaklase ko na nagmememorize ng kung ano-ano man. Bzzzzzz……Bzzzzzzzz Kuya George hindi ka nagrereview? Pakikita ko yung reviewer ko na kinomputer ko pa para organized…pero sintemyento de kwarenta singko hindi ko mabasa at hindi ko maisaulo dahil ultimong salamin ko minsan nalilimutan ko! Perfect ang result ng iba sa aking classmate and I respect the effort! Pero pag nagpost examination discussions na, mga zombie na. Kasi nung magcram, pinuno ang ulo ng mga information na undigested, parang naglagay sa ref ng gulay o foods, paglabas empty na. I believe they learned something naman but not as much as it should be.
Just what in the world do tests and examinations measure?
Ngayon ko lang narerealize ang beauty ng naturalist philosophy ni Rousseau. “Hayaan mong matuto ang bata sa kanyang pamamaraan.” The traditional method of education has its limitations na as the years go, o habang umiinog ang panahon ay unti-unti ng napagiiwanan.
Siguro kailangan ko ng tapusin ang test na ginagawa ko! (As I am making this test, I am not thinking as a teacher. I am thinking as a student and…my gulay…I hate tests and examinations whether I am the one making it or I am the one taking it.)
Just what in the world do tests and examinations measure?
Maybe, it measures how well the teacher did his/her job. This is what I fear!
Bakit phenomenology ang title! Unang-unang, arresting-nakagulat at baka makafake. Pangalawa nung ako po ay nagbabasa ng mga literature mula sa ibat-ibang colleges at universities ay madalas kong nakikita ang word na ito na pagbinasa ko naman ang mga essay ay… parang nagbasa ako ng phenomenology…na hanggang ngayon ang pagkakaintindi ko lang ay hindi ito kinakain!.
Grrrrrr…….more coffeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!! And Antaccccciiiiiiiiddddddsssssssss!!!!
No comments:
Post a Comment