Isang bangkay ng di makilalang babae ang natagpuan patay sa silong ng sa isang kubo sa beach resort sa Boracay. Ayon sa imbestigasyon ang babae ay nagtamo ng tama ng isang matigas na bagay na tumagos sa kanyang ulo nagresulta sa pagkasabog ng kanyang bumbunan. Nalaman din sa imbestigasyon na tuklap ang nguso, bali-bali ang mga braso at durog ang mga hita ng babae. Bumagsak din ang sahig ng na nagresulta sa pagkabaon ng biktima sa lupa sa ilalim ng kubo.
Ayon sa imbestigasyon, nagcheck-in sa resort na masayang-masaya at sweet na sweet ang bagong kasal. Makalipas ang ilang oras ay nakarinig na lamang ng isang malakas na pagsabog ang mga taga Boracay. Nagtakabuhan sila papalayo sa pinangyarihan sa pagaakalang mga terorista ang may kagagawan. Nung mapansin nilang wala namang usok o apoy, sila ay nagbalikan sa kanilang mga dating gawain. Kinumpirma naman ng PHIVOLCS na nagkaroon ng isang malakas na pagyanig sa Boracay ngunit hindi nila maipaliwanag ang dahilan nito. "This is not a volcanic tremor nor a tectonic movement," ayon kay Dr. Milo O. Himlo ang regional head ng Phivolcs sa Visayas.
Isang malaking palaisipan ang nangyaring ito sa di pa nakikilalang babae. Agad na pinakuha ng Pulisya ang guest record ng resort upang malaman ang identity ng di-panakikilalang babae at ganoon din upang makilala ang kanyang kasamang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Hindi pa maipalagay kung nasawi din ang lalaki o kung siya ay suspect.
Ayon sa findings, ang pangalan ng nasawing babae ay si Mrs. Lois Lane Kent at ang pangalan ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ay si Mr. Clark Kent.
No comments:
Post a Comment