Monday, August 25, 2014

Ang Birdie ni Reverend

Naglalakad ang isang pastor sa kahabaan ng kalsada nang matapat siya sa isang petshop. Sumilip siya at naka-agaw ng kanyang pansin ang isang hawla na may nakakulong na parrot. Tiningnan niya ito ng mabuti: maganda ang mga balahibo, malusog, at masigla, sa madaling salita--isang magandang ibon.

 "Maganda ang parrot na ito," bati  ng pastor.

Lumapit na nakangiti ang may-ari ng pet shop. "Magandang umaga po Reverend. Mukhang nakukursunadahan ninyo ang ibong iyan. Mga ilang buwan na rin ho dito iyan."  Kinilatis ito ng pastor at lalo siyang nagandahan-- matitingkad ang kulay ng balahibo at mapupula ang mga paa. "Oo nga eh, eh kung nalalaman nyo lamang po noong maliit ako, eh, mahilig din akong mag-alaga ng mga hayop. Magkano po ba ninyo ito ibinebenta?"  Habang nakatitig ang pastor sa ibon.

"Ibinebenta ko po iyan ng labin limang libong piso,  pero hindi ko po maaring ibenta sa inyo. Nakakahiya po. Marami po akong mga darating pang mga parrot mula sa Palawan at iyon na lamang po ang hintayin ninyo" Nakangisi ang may-ari ng petshop at para bang hiyang-hiya kay reverend.

"Bakit naman?" Pagtataka ng pastor. "Kasi po nagmumura po iyang ibon na yan." Gayon nga ang bumulalas sa kanila dahil habang nagsasalita ang may-ari ng petshop ay bigla na lang silang nakarinig ng isang matinis at malakas na boses, "Hangal! Gago! Ina mo! Hayop! Buwayang-buwaya ka! Tarantado ka! Walang Hiyaaaa kaaa!"

Napa-iktad ang pastor sa kanyang pagkakatayo at tumingin sa hawla habang ang may-ari naman ay namula sa hiya, "Narinig nyo na reverend. Nakakahiya naman kong iuuwi ninyo iyang ibon na yan at bawat papasok sa inyong tahanan ay ganyang mga salita ang maririnig."

Nag-isip ang pastor, "Hay naku, wag kang mag-alala. Ibenta mo sa akin yang ibon na yan at icoconvert ko sa pananampalataya  yan." Pumayag ang may-ari ng shop at binayaran ng pastor ang ibon. "Pina-alalahanan ko po kayo ha, Reverend. Wala na pong saulian." Patutsada ng may-ari ng petshop.

 "Sigurado yan, salamat at pagpalain ka." Paalam ng pastor.


Makalipas ang ilang buwan ay nagkita uli ang pastor at ang may-ari ng petshop. "Reverend! Kumusta na kayo. Alam nyo namang katoliko ako eh kaya hindi tayo nagkikita tuwing Linggo. Kumusta naman yung parrot?" Bati ng may-ari ng petshop.

"Amen, amen, sabi ko sayo ay macoconvert yung parrot na yon. Halika at kumustahin mo." Dahil sa gusto ring malaman ng may-ari ng petshop ang kalagayan ng ibon, at ganon din kung natupad ng pastor ang kanyang mga sinabi, ay sumama siya tahanan ng pastor.


Sa balkonahe ng tahanan ng pastor,  nakapatong ang hawla sa isang mataas na lamesita at sa loob nito ay nakahapon ang parrot sa isang sanga. 


Napansin na may-ari ng petshop na may dalawang pisi na nakatali sa dalawang paa ng ibon. "Tingnan at pakinggan mo."  Hinila ng pastor ang isang pisi na nakatali sa kanang paa ng parrot at may matamis na matinis na boses na umawit: "Amazing grace, how sweet the sound, that saved a wretch like me..." Hindi makapaniwala ang ang may-ari ng petshop. "Reverend, ang awit na yan...nakakantig ng puso. Ang galing ninyo!" Bulalas niya.




"To God be the glory" sabi ng pastor.

"Heto pa!" Hinila naman ng pastor ang kaliwang paa at mula sa ibon ay narinig nila ang isang malumay na: "The Lord bless you and keep you, the Lord keep his countenance upon you, and give you peace..." 

Natulala ang may-ari ng petshop. "Aaronic benediction! Pastor naniniwala na ako na naconvert ninyo ang palamurang ibon na yan. Nakikita ko na kayo talaga ay mabuting tao. Yung tiyaga ninyo lamang, yung pagtuturo, yung oras na ibinibigay ninyo...matino kayong tao ng simbahan; may puso kayo para sa iba. Hindi lamang yaong ibon ang naconvert ninyo pati yata ako. Gusto ko sanang dumalaw sa simbahan ninyo upang mas makikilala ko kayo." 

"Welcome kaibigan, welcome ka sa church namin!" Tuwang-tuwa ang pastor. "The Holy Spirit works in mysterious ways!" Bulong niya sa kanyang sarili. 

"Sige po pastor, uuwi na po ako" Paalam ng may-ari ng petshop. "Alam ninyo, hindi ko maubos maisip na napabanal ninyo ang ibon na yan."

"To God be the Glory!" Nakangiting sabi ng pastor.

"Muling lumingon ang may-ari ng petshop,"Ano kaya kung hilahin kong sabay ang tali pastor..."

Hindi pa natatapos ang pagsasalita ng petshop owner ng may marinig silang matinis at malakas na boses,  humihiyaw: "Gago ka! Tanga ka! Hangal ka! Ina mo! paghinila mo yan ng sabay, susubsob ako! Tanga! Ina mo! Buwayang-buwaya ka!...

(Adapted)

(Mga larawan ay galing sa internet at hindi ko pag-aari. Ito ay pagsasakwento lamang)

Thursday, May 8, 2014

Agua de Mayo at ilang kwento

Dati, iniinom namin ang tubig ulan. Iniipon namin sa galon
ng langis at inilalagay sa fridgidaire. Ang baha noon ay
kulay brown na may dalang mga ahas, pagong,
dalag, at hito.

Mahiwaga at mapagpala ang unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. Ito ang paniniwala ng ating mga nakakatanda noon. Sa katunayan, iniipon sa mga tapayan ang tubig na ito upang ipaligo sa mga sanggol sa paniniwalang makapagbibigay ito sa kanila ng mga malulusog at malalakas na mga pangangatawan.

Ang mga alamat at kwentong
katatakutan, sa aming isipan
ay makatotohanan.
Ganoon din naman, pinagtatampisaw kami ng mga nakakatanda sa aming purok dahil sa kanilang paniniwala na ang agua de Mayo ay gamot sa bungang araw, na pahirap sa aming mga bata noon;.taghiyawat, an-an at iba pang mga sakit sa balat. "Maligo kayo sa ulan at ng gumaling ang inyong mga bungang-araw!" Wika nila na tila mga nakangiti at hindi namin alam kung nagbibiro o makatotohanan ang kanilang mga usap.

Ang pagsabog sa Chernobyl, Russia
na nagkalat ng Radiation sa hangin, lupa
at kalawakan.
May paniniwala din kaming mga bata noon na ang tubig mula sa unang ulan ng Mayo ay ang tubig na ginagamit ng mga pari bilang kanilang agua vendita, panlaban sa mga aswang, tikbalang, mananangal, puting babae, santelmo, mga paring pugot, at iba pang mga kampon ng kadiliman na buhay na buhay at makatotohanan sa amin at kaya kaming gawan ng kapahamakan kung kami ay hindi mag-iingat.


Naalala ko noong 1986, tuwang-tuwa ako at tumakbong palabas ng bahay upang salubungin ang unang ulan ng Mayo. Ngunit pinigilan ako ng aking ama, "Anak, huwag kang maligo sa ulan," sabi ng tatay ko. Napatingin ako at natigilan, "Dahil ba ito sa balita sa TV, sa Chernobyl?" sabi ko. Napangiti ang tatay ko at sinabi, "hintayin muna natin ang balita tungkol sa radiation..."

Makalipas ang ilang buwan pumanaw ang aking ama sa sakit na Leukemia.