Sunday, November 25, 2007

Lakad


Lakad ng Lakad
Di alam kung saan papapadpad

Yun pala ay tutuwad
Upang magladlad
Ng tsinelas na malapad
At maglakad ng hubad

Gustong maramadaman ang banayad
Na init ng kalsadang malapad
Upang maihalintulad
Sa paghilot ng batad


Ngunit sa pag apak sa daang malapad
Sa paay tumambad
Maligamgam na babad
Para bang may sayad

Nang aking tingnan, tumambad
 Popoo na sa ihiy babad

Lakad ng Lakad
Di alam kung saan papapadpad

Friday, November 16, 2007

Lightnin' hopkins - Ang Kidlat ng Blues

Ewan ko kung bakit gustong gusto ko ang musika ng mga Negro na Blues. Nung 1990's nagtrabaho ako sa Thomas Jefferson Libarary bilang isang xerox operator at kapag wala akong "client" ang ginagawa ko ay nagbabasa ako ng mga kasaysayan tungkol sa musikang ito hangang sa mapanood ko yung "The Land where the Blues began" at talaga namang naranasan ko ang hinagpis ng simple pero rock na istilo ng musikang ito. Madalas din akong magblues pero pag-naririnig ito ng mga pinoy hindi nila kilala. Naala ko tuloy yung kapitbahay naming bulag, si Ka Idyong kung tawagin.May sarili siyang style ng paggigitara na kung ako ang tatanungin ay pasok sa blues. Magaling siya kaya tumugtog na may bass line na, may accompaniment pa at may melody pa kaya nga lang iba ang tiyempo at iba ang tunog pero blues na blues andg dating. Tuwing may awitan si Ka Idyong ang sikat pero ngayo ng mauso ang mga videoke at mga CD's si Ka Idyong ay nawalan ng trabaho. Makikita na lamang siya na tumutogtog sa mga patay at minsan sa palimusan. Kawawa naman ang mga talentadong musika na pinalitan na ng mga electronic gadgets na ito.

Ang Puno ng Mangga



Isang araw, ang hari, ng makatanggap ng isang buslo ng namimintog at matatamis na mga mangga ay humiling na magtungo sa hardin upang makita ang isang puno na nagbigay ng ganoong kagandang mga bunga. Nang dumating siya doon ay natanaw niya and dalawang puno ng mangga, isa ay may mayayabong na mga dahon ngunit walang bunga, ang isa namay puno ng bunga. Nilapitan ng kamahalan na nakasakay sa kanyang Maharlikang Elepante ang isang puno ng mangga, pumitas siya ng bunga, kinain niya at napatunayan niyang masarap. Makaraan ay nilibot niya ang hardin upang tanawin ang iba pang bahagi nito. Ang mga tagasunod at iba pang tao ay sumunod sa hari at pumitas din mula sa puno ng mangga na pinitasan ng hari. Sila ay nag-aagawan hanggang sa wala silang itinira kahit na dahon man lamang.

Pagbabalik ng hari ay nagulat siya sa tumambad sa kanyang harapan: ang puno na hitik na hitik sa bunga ay nakalbo sa dahon at sa bunga, samantalang ang isang puno na walang bunga ay matayog at mayabong pa ring nakatayo. At sinabi ng kamahalaan: “Ang kayamanan sa mundo ay palaging may kaaway; sinumang nagtataglay nito ay kahambing ng puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Dapat nating bantayan ang mga bagay na nagpapapusok sa inggit, selos at galit. Kukuha ako ng aral mula sa walang bungang mangga upang maiwaglit ko ang mga kagulumihanan, galit at mga pag-aalala sa buhay. Iwawaksi ko lahat at aking yayakapin ang buhay ng isang Rahan (isang perpektong disipulo).”

(Isinalin mula sa “The Teachings of the Compassionate Buddha”)

Monday, November 5, 2007

Message sa Jeep

Habang ako ay nakasakay sa jeep papunta sa aking school ay nabasa ko sa dashboard ang mga katagang ito:

"Ang walang kasiyahan ay nagpapahirap sa mayaman, ang may kasiyahan ay nagpapayaman sa mahirap""