Ewan ko kung bakit gustong gusto ko ang musika ng mga Negro na Blues. Nung 1990's nagtrabaho ako sa Thomas Jefferson Libarary bilang isang xerox operator at kapag wala akong "client" ang ginagawa ko ay nagbabasa ako ng mga kasaysayan tungkol sa musikang ito hangang sa mapanood ko yung "The Land where the Blues began" at talaga namang naranasan ko ang hinagpis ng simple pero rock na istilo ng musikang ito. Madalas din akong magblues pero pag-naririnig ito ng mga pinoy hindi nila kilala. Naala ko tuloy yung kapitbahay naming bulag, si Ka Idyong kung tawagin.May sarili siyang style ng paggigitara na kung ako ang tatanungin ay pasok sa blues. Magaling siya kaya tumugtog na may bass line na, may accompaniment pa at may melody pa kaya nga lang iba ang tiyempo at iba ang tunog pero blues na blues andg dating. Tuwing may awitan si Ka Idyong ang sikat pero ngayo ng mauso ang mga videoke at mga CD's si Ka Idyong ay nawalan ng trabaho. Makikita na lamang siya na tumutogtog sa mga patay at minsan sa palimusan. Kawawa naman ang mga talentadong musika na pinalitan na ng mga electronic gadgets na ito.
No comments:
Post a Comment