(Ang aking e-mail ay pinuputakti ng mga mails galling sa College Editors Guild of the Philippines o CEGP na binubulabog ako na pabababain si Gloria Macapagal-Arroyo.)
Tama si Fr. Leonardo Mercado, ang oras para sa mga Pilipino ay circular o paikot. Medyo kipot pa nga na sabihing circular dahil ang katotohanan lamang, ang oras para sa mga Pilipino ay isang Ferris Wheel na bulok.
Nawawala na naman ang aking pagka-makaDiyos nito eh. Marami akong teorya.
Una si Abalos, kaya malakas ang loob at kayang paikot-ikutin si FG (ayon kay Lozada o Jlo isang tawag lang daw at nagcall back na si FG) ay dahil malaki ang utang na loob ng mag-asawa kay Abalos na dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Eleksyon. Ano kaya ang baraha na hawak ni Abalos…hmmm….aba-aba.
Si FG ay walking refrigerator na pinalitan ng compressor at ngayon ay malakas pa humigop ng enerhiya, ultimong enerhiyang galling China na kung tawagin ay ZTE ay kayang higupin buti na lang at naamoy ng isang…
Si JDVJunior na nag-iingay dahil natalo sa ZTE contract at sinabihan ni FG na “back off” at sinamahan pa ng mura ay masama lamang ang loob dahil hindi nakataga ng malaking chipipay ng walang kahirap-hirap.
Si Lozada ay muntik ng masalvage dahil hindi niya tinanggap ang 500,000 na allowance.
Masakit ang ulo ko.
Nakakatawang isipin na sa tinagal-tagal ng buhay ay para bang nanunuood ako ng replay ng lumang palabas na pinamagatang “Don Kamote de La mantsa.” Spoof ng novel ni…hmmmmm….Cervantes na pinagbibidahan ng nasirang Katsupoy.
Eniway, noong si Erap ang binubulabog magkakasama si Cory Aquino, si Gloria Macapagal at iba pang mga pulitiko na nakikiusap na bumaba si Erap. Ngayon nabaligtad ang pangyayari na si Gloria na ang pinababa, magkasama na si Erap at si Cory. Nalilito ako kasi si Cory yellow ang color na kulay ng gitna ng itlog samantalang si Erap naman ay nagpapababa ng kolesterol kaya umiiwas sa itlog kaya sakang siya maglakad, por dos por kwatro, isang dilaw ng itlog at isang takot sa itlog nagsama!
Noong panahon ni Erap ang panawang ni Erap ay “rule of law! Rule of law!” Habang siya ay inuupakan ng mga doble karang mga tinamanan ng kulugong mga pulitiko. Ngayon naman ay si Gloria at ang kanyang mga kampon ang sumisigaw ng, “rule of law! Rule of law! Dalin sa korte!” Nahihilo ako sa kawalan ng katinuan ditto sa Pilipinas.
Pinatalsik and isang artistang presidente dahil nagungurakot ng huweteng. Pinalitan ng economistang presidente na nagtangkang mangutang sa China para ibulsa tapos pababayaran sa taong bayan.
My gulay, pareho-parehong mga mandarambong ito!
Akala ko matino si Gloria dahil bilang isang kababaihan ay mas compassionate at mas may feeling ang mga girls pero itong si Gloria ay pinahanga talaga ako—siya ang Prince ni Machiavelli at ang anti-Christ ni Friedrich Nietszche. Isang true blooded mandarambong at kahihiyan ng kanyang ama.
Ang masama may mga anak pa ito na sa ngayon pa lang ay nagpaparamdam na ng …ewan ko matutulog na lang ako. Masama lang loob ko ngayon kasi wala akong pera buti pa sila bilyong piso and nasa bulsa advance pa lang iyon!
One lucky bitch! (Not my words but JDV Jr’s)
I’m sick of politics, I’m thinking of committing…hmmmm…pesticide!
Tapos may rallies na naman!
May people power pa!
Ohhhhhhh…mga anak kayo ng inyong mga magulang! Mga angat talaga kayo!
1 comment:
thanks a lot !
ur content help me a lot .
Post a Comment