Tuesday, October 30, 2007

Mga Aral ni Buddha


Pag-naririnig ko ang pangalang Buddah, ang pumapasok sa isip ko ay ang aking kababatang kapitbahay na babae na kung tawagin namin ay Buddha, siguro kasi malaki tiyan niya noon, likha siguro ng mga bulate. Ngayon siya ay isa nang nanay at pagnakikita ko siya minsan na naglalako ng mga gulay na tinatanim nila sa kanilang bakuran, nahihiya na akong tawagin siyang Buddha dahil maliit na ang tiyan niya at ako naman ang lumalaki ang tiyan. Baka pag tinawag ko siyang Buddha ay tumawa siya ng malakas at ituro ang tiyan ko at sabihing “aba George, ikaw na ata ang Buddha ngayon.” Pero di ko alam ang tunay niyang pangalan at ngayon ko lang nalaman na sa tagal naming magkakalaro noon maliliit pa kami ay ni hindi ko man lamang ito naitanong. Nakakatawa!

Noong isang araw, sa paghahalungkat ko ng mga lumang libro sa Ever Gotesco Mall (tabi, tabi po! Sabi nila ito daw ang safest mall kasi karamihan ng nagtitinda ay mga muslim) ay nakadampot ako ng libro na may pamagat na “The Teachings of the Compassionate Buddha.” At natutuwa naman ako dahil magaganda ang mga nilalalaman nito. Kahit hindi ko pa natatapos ang libro ay nabusog na ako sa mga kaalaman ditto.

Ano nga ba ang pananaw ni Buddh patungkol sa mga bagay na malalalim patungkol sa buhay o yung mga metaphysical questions. Sabi ng iba ang paliwanag na ito ni Buddha ay agnosticism pero ayon sa aklat ito ay isang pananaw na kung saan ang Buddha ay hindi nag sasalita ng tapos. Hindi katulad ng ibang mga guro tulad ni Jesus o ni Muhamad, si Buddha ay hindi umangkin ng kabanalan o kadiosan, kaya ang kanyang mga turo ay patungkol lamang sa katotohanan at ang pagkakaiba nito sa mali.

Ito ang pananaw ni Buddha patungkol sa mga katanungan:

“Ganito ito Malunkyaputta (ang sagwa naman ng tunog!), ang isang tao ay natudla ng isang palsaong tinubog sa lason at ang kanyang mga kaibigan at kasama, mga kamag-anak, ay ikukuha siya ng manggagamot ngunit kung ang sasabihin ng biktima ay ‘ Huwag ninyong bunutin ang palaso hanggang hindi ko nalalaman kung ang tumudla sa akin ay isang mandirigma, o isang pari, o isang magsasaka, o isang alipin.’”

“Mamatay ang taong iyon, Malunkyaputta, ng hindi ito nalalaman. Sa ganoon ding pamamaraan, Malukyaputta, sinuman na magsabi na, ‘hindi ako susunod sa buhay relihoyoso hanggang hindi ipinapliwanag sa akin na ang daigdig ay may wakas, o ang daigdig ay walang wakas…o may taong banal, o walang taong banal sa kabil ng kamatayan—ang taong iyon, Malunkyaputta, ay mamatay bago pa man ito mapaliwanag ng Tathagatha.
Ang relihiyosong buhay, Malunkyaputta, ay hindi nakasandal sa paniniwalang ang daigdig ay may wakas o wala. Kahit na ang paniniwala ay ang daigdig ay may wakes o wala, nandiyan pa rin ang kapanganakan, katandaan, kamatayan, kalungkutan, paghihinagpis, pagdurusa, pagluha…
Lagi mong tatandaan, Malunkyaputta, ang aking mga ipinaliliwanag at ang mga hindi ko ipinaliliwanag…

Ang mga aral ni Buddha! Minsan naiisip ko tuloy ang sinabi ni Anselm patungkol sa mga Di-kilalang Kristiyano o yung mga tao na nabigyan ng kaalaman ng Logos ng Diyos at ito ay naihayag sa ibat-ibang kultura. Mya aninag sila ng kaalaman at karunungan patungkol sa Diyos ngunit kulang ito, di tulad ng kay Kristo.

Kagalang-galang itong mga taong ito.




Thursday, October 25, 2007

Words of Wisdom from Bob Ong

"Ang pinakamainam na paraan para magingdukha ay ang maging matapat" -Bibe

"Paggawa na ba ng kabutihan ang hindipaggawa ng kasamaan?" -Matsing

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ngwala.." -Ulang

"Ang liit at laki ay nasa isip lang,nasa pagsisikap lang yan ng tao!" -Langgam

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isangbagay kesa magtagumpay sa paggawa ngwala..." -Tong

"Paru-p aro ako..kulay brown lang angpakpak!!" -Ipis

Monday, October 22, 2007

Walking Blues/ Wala lang magawa!

Natatawa yung anak ko sa pinaggagawa ko sa buhay ko. Pagkatapos kung tugtugin ito, mayamaya lang naririnig ko na yung anak ko nag nagbu-blues.

Wednesday, October 17, 2007

Maanumalyang Rehimen!

(Ako ay kabilang sa CEGP dahil ako ay Editor ng aming school paper. Madalas akong nakakarecieve ng mga e-mails mula sa kanila at ipopost ko ito. Buti na lang at walang martial law ngayon at kahit papaano ay malaya pa rin tayo para makapagsalita ng ating damdamin. May sinasabi naman ang mga editors at mababangis lang talaga. Kaya minsan natatawa ako apg nag-rereact ang mga instructors sa camopus namin dahil sa sarcastic na pagsulat ko, pero kumpara sa mga progresibong mga editor at school paper di hamak na maamong tupa pa kami.)



Sa gitna ng lumalalang kahirapan sa bansa, malaking dagok sa masang Pilipino ang pagsambulat ng isa na namang isyu ng korapsyon. Nakapagngangalit na habang ang mga batayang serbisyong panlipunan katulad ng edukasyon at kalusugan ay nabibigyan ng kakarampot na badyet mula sa rehimeng Arroyo, milyon-milyong kabang yaman ng bansa ang napupunta lamang sa bulsa ni Arroyo at mga alipores nito.

Noong nakaraang mga linggo, nagsilbing whistle-blower ang negosyante at anak ni House Speaker Jose de Venecia na si Joe de Venecia hinggil sa maanomalyang kontrata ng pamahalaan sa ZTE para sa pagtatayo ng broadband network sa bansa. Unang punto sa ZTE deal ay ang katotohanang mayroon ng broadband network sa bansa at hindi na kailangan pa ang nasabing proyekto.

Sa inilunsad na mga pagdinig sa Kamara, inamin ni dating NEDA Secretary at ngayo’y CHED Chairman na si Romulo Neri na siya ay inalok ni COMELEC Commissioner Benjamin Abalos ng P200M kaugnay ng pagpapasa ng ZTE deal. Nailantad din ang mga naganap na negosasyon sa pagitan ng ZTE officials, si Abalos at kasama si First Gentleman Mike Arroyo.

Kitang-kita ang malakas na kapit at kapangyarihan ni Abalos sa rehimeng Arroyo kung saan labas na sa kanyang pagiging COMELEC Commissioner ang paglahok sa mga business deals ng gobyerno. Lalo nitong pinapatibay ang bahid ng dayaan na naganap sa nakaraang 2004 presidential elections.

Sa pagkasangkot ni Mike Arroyo sa mga negosasyon at pagbigay ni Pang. Arroyo ng komento hinggil sa proposal ni Joe de Venecia para sa nasabing proyekto, malinaw ang pagiging sangkot ni Pang. Arroyo sa usapin. Ayon pa kay Neri, nabanggit niya kay Pang. Arroyo ang nasabing panunuhol sa kanya ni Abalos subalit walang naging karampatang aksyon kaugnay nito. Bilang pinakamataas na opisyal ng bansa, marapat lamang na alam ni Pang. Arroyo ang mga pinapasukan ng kanyang pamahalaan na business deals.

Ngayon, nailantad din ang isa pang katulad na proyekto na may bahid din ng anomalya - ang Cyber-Education project.

Ang mga nagaganap na expose ay hindi na bago sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Sa dami ng mga isyu ng korapsyon na nailantad sa kanyang pamumuno, kasama na ang kontrobersya sa PIATCO deal at pagtayo ng Diosdado Macapagal Boulevard, malinaw na ang pagiging corrupt ng rehimeng Arroyo.

Sa harap ng iskandalo, sinuhulan at itinulak ng administrasyon ang ilang mga kongresista na maghain ng mahinang impeachment complaint kay Arroyo. Layon nitong i-preempt ang paghahain ng impeachment complaint ng mga nasa oposisyon laban kay Arroyo dahil sa muling pag-init ng usapin ng pagpapatalsik kay Arroyo at paglakas ng mga batayan dito sa pagsulpot ng ZTE deal.

Subalit hindi na kayang pagtakpan pa ng rehimeng Arroyo ang kabulukan ng kanyang pamumuno sa bansa – isang rehimeng ilehitimo, kurakot, at pasista. Habang patuloy na isinasantabi ang tunay na kaunlaran ng masang Pilipino kapalit ng pangangayupapa sa dayuhang interes, lumalakas ang matagal ng panawagan ng malawak na bilang ng masang Pilipino na patalsikin na si Arroyo.

PAPANAGUTIN ANG MGA OPISYAL NA SANGKOT SA ZTE DEAL!
LABANAN ANG KORAPSYON!
PATALSIKIN ANG PAPET, KURAKOT, AT PAHIRAP SA MASA NA SI GLORIA ARROYO!
ANAKBAYAN-Timog Katagalugan * October 17, 2007

Thursday, October 11, 2007

Quits lang


Ako yung taong galit sa mga bagay na normal. Kaya noong Lingo, noong laban ni Manny Pacquaio hindi ko alam kung saan ako lalagay. Kasi hindi ako fans ni Pacquaio o kahit ano mang sports, maliban siguro sa chess (pero sa totoo lang hindi na rin ako ganoon kaenthusiastic sa larong ito), kaya hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag ang naranasan ko. Ako ay nagtuturo ng praise and worship sa church, kailangan ko ng drumstick, yung pampalo sa tambol, upang may magamit yung mga tinuturuan ko kaya pagkatapos ng samba (na maagang tinapos ng pastor dahil sa laban ni Pacquiao) ay agad akong tumungo sa isang mall para bumili ng drumstick.

Pagpasok ko sa mall ay nagulat ako dahil maraming nakapila sa mga hallways. At ako ay nakiusyuso. Alam ko na ang makikita ko, TVs na nakadisplay sa mga tindahan ng appliances na pinalalabas ang laban ni Pacquiao. Yung ibang tao nagmamadali naman pauwi at bumubulong na baka hindi na abutan si Pacquiao. Para akong nasa Twilight Zone noong mga panahong iyo dahil halos lahat ng mga tao ay Pacquiao ang nasa isip. Ako naman ay naghahanap ng tindahan ng tambol.

Naala ko noong early nineties nung ginanap sa Pilipinas yung Miss Universe. Ako noon ay nagtatrabaho pa sa Makati at talaga namang nagulat ako dahil sa walang traffic noong ipinalalabas ang Miss Universe, sabi nila nanunuood daw lahat ng Pinoy.

Entertainment ito na pati mga magnanakaw, mga rapist mga manloloko at kung ano-ano pang mga kawatan ng lipunan ay tumigil upang mailahok. Zero crime rate nga raw nung laban ni Manny, talaga naman.

Nung makauwi ako ng bahay ay naririnig ko ang mga analyst at nagugulat ako sa kanilang mga sinasabi tungkol sa laban. Para ba silang mga batang nanunuod ng laban ng mga gagamba. May tawanan at may pintasan, may isa pang nagalit dahil sa dinaya daw si Pacquiao nung nakawan ng suntok sa batok ni Barerra. Itong mga taong ito ay mga aral sa matitinding Universidad sa Pilipinas pero…boxing ito….I don’t know.

Hindi ko alam…parang ang babaw lang ng pakiramdam ko. Sabagay pag siguro nalaman ng mga taong ito na sa edad kong ito ay mahilig pa rin ako sa X-Men, Voltes V, Justice League, Transformers, Harry Potter atbp. Baka ganuon din ang isipin nila—ang babaw, baka mapagkamalan pa akong sintu-sinto. Quits lang talaga, kanya-kanya lang biyahe.

Tuesday, October 9, 2007

No Hands Guitar Player

Taas kamay ko dito sa taong ito!

Tuesday, October 2, 2007

Mga Mata ni Anghelita


Bilang pagpapauna, ang palabas sa telebisyon na “Ang mga Mata ni Anghelita” ay isang programa sa telebisyon na sumikat noong unang bahagi ng dekada 80. Ito ay kinabibidahan ng nasirang Julie Vega. Ang kwento ay umiikot sa isang bulag na musmos na inaapi-api (gasgas na at nakakasuka ng tema ng mga palabas na Pilipino) at minamaltrato ng kanyang ina-inahan at ng kanyang lipunan (Cinderella formula). Dahil sa kanyang kalagayan ay nahabag sa kanya ang mahal na Birhen at siya ay pinhiram nito ng kanyang mga mata, taglay ang mga mahiwagang kapangyarihan nito na parang kinrossbreed na energy beams ni Cyclops ng X-men at prophetic vision ni nasirang Nostredamus. (Hindi ko kilala kung sino ang sumulat nito.)

Ang muling pagsilang ng palabas na ito ngayong 2007 ay bilang pagpupugay sa kakayahan ng Pilipino na buhayin muli ang mga walang kwentang mga palabas sa telebisyon na kumita noon. Ito ay pagpupugay sa “revival mentality ng mga Pilipino. (Kung mapapansin natin, hindi lamang ito sa mga palabas nagaganap. An gating pulitika ay laganap din sa ganitong istilo ng kawalan ng orihinalidad tulad na lamang ng Hello Garci controversy, impeachment controversy, at ang pagkarevive ni First Gentleman…he ayoko na baka makulong ako.

Sa makabagong muling pagkabuhay ng “Mga Mata ni Anghelita” ay mapapansin ang pag-usbong ng satanismo, cultismo at mongoloidismo sa ating telebisyon. Noong una ay maganda ang takbo ng kwento, may realidad at may kurot sa puso lalo na at magaling umarte ang bidang bata dito na hindi ko kilala at wala na akong planong alamin ang pangalan. Ang kaapihan ni Anghelita ay repleksyon ng katotohanan ng kahirapan at ang simbolismo ay may dalang kapagyarihan na makaapekto sa emosyon, katulad na lamang sa tulad ko na isang matigas ang muka. Ngunit habang tumatagal ay napapansin ko na ang kwento ay paupunta ng papunta sa Mandaluyong, sa loob pa mismo ng Mandaluyong dahil pawala ng pawala sa katinuan ang plot at ang mga karakter at ang mga dialog ng tauhan ay paurong ng paurong sa tamang pag-iisip.

Saan ka ba naman nakakita na ang isang kampanerong kuba (Hunchback of Notre Dame) ay nakakuha ng makapangyariahng korona ng birhen at naging gwapo (Dr. Jekyll and Mr. Hyde) at banding huli ay naging isang mandirigma na ang pangalan ay Gabriel (Archangel, from X-men).

May isang matrona na umaapi kay Anghelita na ang pangalan ay Tuspirina…Aspirina, yata…Kurtina….hmmm…basta may tunog –protina yung pangalan na isa palang putting mangkukulam na pumuprotekta kay Anghelita (reminds of that animangus witch from Harry Potter). At matindi sa hairstyle itong si Tuspirina…Aspirina, yata…Kurtina….hmmm…basta may tunog –protina na ito, parang mga tipak ng yelo pag nagdefrost ka ng ref. May magic wand pa…(parang Harry Potter talaga. Alam kaya ito ni J.K. Rowklings) matindi itong manunulat na gumawa nito, maitndi ang creativity sa pamimirata.
At myroong pang isang nilalang doon na nakikidigma sa kanila. Hindo ko alam kung anghle o kabayo o sphinx ito, Si Ian Veneracion ito na may padding yung hita, akala ko tuloy labahitang daing na nagsasalita. Wala namang ginagwa sa istorya kung hindi trabnsporatsyon, sinsasakyan sa likod ni Anghelita samantalang kayang naman nilang mag-transport ala flu powder ng mga wizards.

Noong magagapi na ang pwersa ng liwanag na kinabibilangan ni Tuspirina…Aspirina, yata…Kurtina….hmmm…basta may tunog –protina na kung tawagin ay “Pwersa ng Liwanag” (nahiya pa ang mga kumag, nahiya pang gamitin yung “Order of the Phoenix”) ay dumating na mga resbak o back up forces at ang histura nung isa ay may takip o patch sa isang mata. Muntik ko nang batuhin ng plato yung TV namin dahil ito ay poor copy ni Mad Eye Moody. Ang tindi talaga!

Hindi ko na babangitin ang mga kontrabida dahil ubos bytes sa memory ng computer lang ito.


Palitan na ninyo ang pamagat ng palabas ninyo. Gawin na ninyong: “Si Harry Potter at Ang mga Muta ni Anghelita.” Grrrrrrrrrr…..grrrrr…

Ayoko na! Isa lang ang msasabi ko sa mga damuhong manunulat na ito….Hooooyyyyy Gising! Baka “ma-Imbestigador” …teka…teka kasi naala-ala ko noon na may palabas sa channel 9 na ang pamagat ay 60 minutes at parang nauulinagan ko na ito ay kinopya at ginawang local na tinawag na imbes…waaaahhhhhhhhhh!!!!!

Parang gusto kong magpunta sa ibang planeta.

Tek-teka muna…manonod pa ako ng Mga Mata ni Anghelita. He, he, he…

Monday, October 1, 2007

Diyos ng HImala

Kay rami ng nabubuhay
Di alam kung saan patutungo

Kung may karamdaman o may suliranin
Sino ang lalapitan mo?

Minsan ay naranasan ko
Masaklap na dagok sa buhay

Kanino dudulog
Tutulong ay wala, si Jesus and kapitan mo

Ang aking Diyos ay Dios ng Himala
Ito’y napatunayan na

Ang buhay ko’y binago niyang lubos
Nang manalig ako kay Cristo

Sa Dios tiwala ko’y walang hanggan
Kahit na magalinlangan ang mundo

Nalalaman kong ito’y tunay
Pagkat si Cristo ay nasa puso ko!

Celia H. Marcelo