Tuesday, October 30, 2007

Mga Aral ni Buddha


Pag-naririnig ko ang pangalang Buddah, ang pumapasok sa isip ko ay ang aking kababatang kapitbahay na babae na kung tawagin namin ay Buddha, siguro kasi malaki tiyan niya noon, likha siguro ng mga bulate. Ngayon siya ay isa nang nanay at pagnakikita ko siya minsan na naglalako ng mga gulay na tinatanim nila sa kanilang bakuran, nahihiya na akong tawagin siyang Buddha dahil maliit na ang tiyan niya at ako naman ang lumalaki ang tiyan. Baka pag tinawag ko siyang Buddha ay tumawa siya ng malakas at ituro ang tiyan ko at sabihing “aba George, ikaw na ata ang Buddha ngayon.” Pero di ko alam ang tunay niyang pangalan at ngayon ko lang nalaman na sa tagal naming magkakalaro noon maliliit pa kami ay ni hindi ko man lamang ito naitanong. Nakakatawa!

Noong isang araw, sa paghahalungkat ko ng mga lumang libro sa Ever Gotesco Mall (tabi, tabi po! Sabi nila ito daw ang safest mall kasi karamihan ng nagtitinda ay mga muslim) ay nakadampot ako ng libro na may pamagat na “The Teachings of the Compassionate Buddha.” At natutuwa naman ako dahil magaganda ang mga nilalalaman nito. Kahit hindi ko pa natatapos ang libro ay nabusog na ako sa mga kaalaman ditto.

Ano nga ba ang pananaw ni Buddh patungkol sa mga bagay na malalalim patungkol sa buhay o yung mga metaphysical questions. Sabi ng iba ang paliwanag na ito ni Buddha ay agnosticism pero ayon sa aklat ito ay isang pananaw na kung saan ang Buddha ay hindi nag sasalita ng tapos. Hindi katulad ng ibang mga guro tulad ni Jesus o ni Muhamad, si Buddha ay hindi umangkin ng kabanalan o kadiosan, kaya ang kanyang mga turo ay patungkol lamang sa katotohanan at ang pagkakaiba nito sa mali.

Ito ang pananaw ni Buddha patungkol sa mga katanungan:

“Ganito ito Malunkyaputta (ang sagwa naman ng tunog!), ang isang tao ay natudla ng isang palsaong tinubog sa lason at ang kanyang mga kaibigan at kasama, mga kamag-anak, ay ikukuha siya ng manggagamot ngunit kung ang sasabihin ng biktima ay ‘ Huwag ninyong bunutin ang palaso hanggang hindi ko nalalaman kung ang tumudla sa akin ay isang mandirigma, o isang pari, o isang magsasaka, o isang alipin.’”

“Mamatay ang taong iyon, Malunkyaputta, ng hindi ito nalalaman. Sa ganoon ding pamamaraan, Malukyaputta, sinuman na magsabi na, ‘hindi ako susunod sa buhay relihoyoso hanggang hindi ipinapliwanag sa akin na ang daigdig ay may wakas, o ang daigdig ay walang wakas…o may taong banal, o walang taong banal sa kabil ng kamatayan—ang taong iyon, Malunkyaputta, ay mamatay bago pa man ito mapaliwanag ng Tathagatha.
Ang relihiyosong buhay, Malunkyaputta, ay hindi nakasandal sa paniniwalang ang daigdig ay may wakas o wala. Kahit na ang paniniwala ay ang daigdig ay may wakes o wala, nandiyan pa rin ang kapanganakan, katandaan, kamatayan, kalungkutan, paghihinagpis, pagdurusa, pagluha…
Lagi mong tatandaan, Malunkyaputta, ang aking mga ipinaliliwanag at ang mga hindi ko ipinaliliwanag…

Ang mga aral ni Buddha! Minsan naiisip ko tuloy ang sinabi ni Anselm patungkol sa mga Di-kilalang Kristiyano o yung mga tao na nabigyan ng kaalaman ng Logos ng Diyos at ito ay naihayag sa ibat-ibang kultura. Mya aninag sila ng kaalaman at karunungan patungkol sa Diyos ngunit kulang ito, di tulad ng kay Kristo.

Kagalang-galang itong mga taong ito.




No comments: