Tuesday, September 11, 2007

Patintero

Nagpaligsahan ng Patintero, isang traditional Filipino games nuong Buwan ng Wika sa school ng anak ko. Nakakatuwa kasi ang larong ito ay very healthy, tingnan nyo na lang ang effort na binibigay ng mga bata, para na silang nag-exercise nito. Kausap ko yong isang pastor namin at ang sabi ko ay "laos na itong mga larong ito." Ito ay malungkot na katotohanan dahil unti-unti ng nawawala ang mga larong ito at napapalitan ng mga cyber games. Ang saya lalo na at naka traditional dress ang mga batang ito.

No comments: