Words of Wisdom from Bob Ong
Galing ito sa Friendster ni Rommel!
*Kumain ka ng siopao na may palamangpusa o maglakad sa bubog ng nakayapak,pero wag na wag kang susubok mag-drugs.Kung hindi mo kayang umiwas, humingi kang tulong sa mga magulang mo dahil alamnila kung saan ang mga murang supplierat hindi ka nila iisahan.
*Mag-aral maigi. Kung titigil ka sapag-aaral, manghihinayang ka sa pagtandamo dahil hindi mo naranasan angkakaibang ligayang dulot ng mga araw nawalang pasok o suspendido ang klase oabsent ang teacher.
*Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kungano yung galing mo, kulit mo, lakas ngsigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP,NCAA, mga sportsfest, o concert ngpaborito mong banda, wag mong iwawalahanggang pagtanda. Wag kang tutulad sailang kongresista na nagre-report satrabaho para matulog.
*Wag magdadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima, sampung taon sa hinaharap,mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisipmong di pala tamang pumili ng kaparehadahil lang sa kaboses niya si DebbieGibson o magaling siyang mag-breakdance.Totoong mas importante ang kalooban ngtao higit anuman. Sa paglipas ngpanahon, ang mga crush ng bayan saeskwelahan e nagmumukha ring pandesal.Maniwala ka.
*Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon moyan sa sarili mo. Kung gusto mo mangkumain ng balde-baldeng lupa paramalagay ka sa Guinness Book of WorldRecords at maipagmalaki ng bansa natin,sige lang. Nosi balasi. Wag mongpansinin ang sasabihin ng mga taongsusubok humarang sayo. Kung hindinagsumikap ang mga scientist noon, hindipa rin tayo dapat nakatira sa Jupiterngayon. Pero hindi pa rin naman talagatayo nakatira ngayon sa Jupiter dahilnga hindi nagsumikap ang mga scientistnoon. Kita mo yung moral lesson?
*Kung gusto mo maging musikero, sigelang. Pintor, ayos!, Inhinyero, thebest! Kung gusto mo maging teacher,pilitin mong maging teacher na hindimakakalimutan ng mga estudyante mo. Kunggusto mo maging sapatero, magingpinakamahusay kang sapatero. Kung gustomong maging karpintero, magingpinakamagaling kang karpintero. Kunggusto mo maging tindero ng balut, wagkang dadaan sa harap ng bahay namin paramambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
*Mangarap ka at abutin mo to. Wag mongsisihin ang sira mong pamilya, palpakmong syota, pilay mong tuta, o mgalumilipad na ipis. Kung may pagkukulangsayo magulang mo, pwede kang manisi atmaging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral,mag-asawa ka, mag drugs ka, magpakulayka ng buhok sa kili-kili. Sa bandanghuli, ikaw din ang biktima. Rebeldengwalang napatunayan at bait sa sarili.
*Sa panghuli, higit sa lahat, magbasa kang libro. Kung nabasa mo lahat ng libroko, salamat. Pero kung makakabasa ka pang ibang libro bukod sa mga isinulat koo mga ipinagbibili ng teacher mo, masmagaling. Hikayatin mo lahat ng mgakakilala na magkaroon ng kahit isa manlang paboritong libro sa buong buhaynila. Dahil wala ng nakakaawa pa sa mgataong literado pero hindi nagbabasa.Ayos lang lumaki ng lumaki,magpatangkad, at tumanda nang walangnatutunan--------kung puno ka! Perobilang tao, may karne sa loob ng bungomo na nangangailangan ng sustansya.Maraming pagkakataong kinakailangan mongsundutin yon. At sa bawat sundot, tuladng sundot-kulangot, mas maigi kungkapaki-pakinabang kang makukuha
No comments:
Post a Comment