Nasa gitna sila ng isang bukid at nakapaikot sa isang kahong may lamang bangkay. Tatlo sa kanila ay may hawak ng mahabang baril, ang dalawa nama’y may hawak na pistola at ang isa ay isang pudpod na espada ang nakasukbit sa kanyang sinturera. Ang pinuno nila ay nakakunot ang noo na pinagmamasdan ang bangkay. “Handa na ba ang lahat?” Matigas na tanong ng pinuno. “Oo,’ Sagot ng pulutong.
Ang iba sa kanila ay palinga-linga na nagmamasid, para bang may inaabatan na panganib. “Di kaya nila tayo matanaw?” Tanong ng pangalawang puno. “Maghahapon na, ganitong oras sila lumalabas at naglilibot sa kanilang nasasakupan.” Dagdag pa ng panglawang pinuno. “’Wag kang mag-alala, kung magkataon at tayo ay matanaw nila, ‘di nila tayo maabutan.” Nakangiting pag-sisiguro ng pinuno. “Simulan na ang seremonyas!”
Lahat sila ay humarap sa kanluran kung saan malapit ng lumubog ang mapulang araw. Ang sinag nito ay para bang dugo na humahawa sa mga ulap, nagbabadya ng ulan para sa kinabukasan. Ang malamig na hangin na amoy ng pinaghalong dumi ng kalabaw, tuyong mga dahon at basang damo ay nagdadagdag ng misteryo sa dapit hapon. Maya-maya pa ay inaangat ng apat sa pulutong ang kahon na may lamang bangkay. Dahan-dahan silang naglakad patungo sa pinuno. Inangat ng pinuno ang takip ng kahon at kunot noo nitong inutusan ang mga tagabuhat na ilagak ito sa kanyang paanan.
“Kilala natin siya. Isa siyang tapat na kaibigan…” Pasimula ng pinuno. Maya-maya ay lumapit ang isa sa kanila at may ibinulong sa pinuno. Tumango ang pinuno at biglang tumakbo ang kasamahan nilang may ibinulong. Hinabol tingin ng lahat ang kasama nilang tumatakbo ng papalayo sa kanila. “Kilala natin siya. Isang tapat na kaibigan ngunit wala tayong magagawa dahil sadyang oras na niya ito…” Ang pinuno ay hinubad ang kanyang kamiseta, binaligtad at sinukob sa ulo. Nagusnuran ang pulutong. “Abadimzzzzah…karuizzzrsaaaaahh…wahhhhhhdiinngggggg….” Habang ang pinuno ay nagoorasyon, lumapit ang dalawa at binuhusan ng gaas ang nakatumpok na mga panggatong. Para bang sinasapian ng kung ano ang pinuno dahil ito ay nagsasayaw ng sayaw ng paglilibing.
Binuhat ng apat sa kanila ang kahon at ipinatong sa bunton ng tuyong pamparikit at tinabunan ang kahon ng gatong sa ibabaw. Pinaikutan nila ang bunton at sabay siniliban. Napansin nila na lumalaki na ang apoy at ang hangin ay amoy sinusunog na buhok. Nawala na sa isip nila ang pagbabantay. Lahat sila ay nakatulala sa nasusunog na bangkay kaya hindi nila namalayan na may dahan-dahang lumalapit sa kanila at bigla na lang may marinig silang isang lagatok. “Pak!” Napatingin sila sa isa nilang kasama at panandalian silang natulala ng makita nila itong napaiyak at napaluhod. Maya-maya ay nagpulasan silang parang mga asong sinabuyan ng malamig na tubig. Kanya-kanya silang direksyon ng takbo, ang iba nama’y nagkakandarapa sa pagtatago. Ang kanilang siga ay patuloy na naglalagablab, maya-maya pa ay nagtatakbuhan na ang bantay ng lupain upang ito ay apulain at hanapin upang papanagutin ang mga may gawa.
Makaraan ang dalawang araw ay muli silang nagpulong at nag-usap. Ipinakita nila ang pagpapahirap na dinanas nila. Ang isa ay namamaga ang puwet, ang isa nama’y namumula ang braso sa dami ng kurot at ang iba nama’y namumula ang tuhod dahil sa pagkakaluhod sa munggo. Maya-maya pa ay lumapit sa pulutong nila ang kanilang kalaban: “Hoy! Talaga kayo. Sino may sabi sa inyong sunugin nyo si Tagpi! Alam nyo ba na yung mga nakatumpok na tuyong puno ng kamatis ay naglagablab at akala tuloy ng mga tao ay may sunog na! Galit na galit si magsasakang Inong sa inyo.”
“Sino promotor nyo?” Lahat ay nakaturo kay…Hmmm sino kaya?

No comments:
Post a Comment