Tuesday, August 14, 2007

Ulan



Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo bagyo pantay kabayo
Narito ang anak ko
Naliligo sa tubig nyo
Pagdating ng asawa ko
Tiyak ko lagot ako
Dahil pagkatapos maligo ng batang ito
Sigurado, may labas pasok na sipon
Sa ilong ng bruhang ito

Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo bagyo pantay kabayo
Pagnatulog sa pagod ang batang ito
Tiyak ko puno ng kulangot ang ilong nito
Dahil sa natuyong sipon sa kanyang ilong

Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo bagyo pantay kabayo
Tabi-tabi po mga nuno sa punso
Ihanda na ang termometro
Para sa sinat ng loko
At sigurado ako paggaling sa trabaho
Lagot ako sa nanay nito

No comments: