Abalang-abala si Diana Prince sa pag-iimpake ng kanyang gamit. Siya ay ipinadal ng kaniyang ahensya sa Pilipinas upang imbestigahan ang isang anomalya na bumabalot sa kanyang pagkatao. Naala-la pa niya Diana nung siya ay kinoronahang prinsesa ng mga Amazon. Tandang-tanda niya ang binitawang salita sa kanya ni Zeus. “Ikaw ay nag-iisa lamang at ang iyong lakas ay katumbas ng lakas ni Hercules, ang iyong bilis ay katumbas ng bilis ni Hermes, ang iyong talino ay katulad ng talino ni Apollo (hindi po si Quibuloy), ang iyong ganda ay pinagsamang bighani ni Aphrodite at ni Minerva at ang iyong bikini ay tulad ng Pampers for adults for extra strength.” Ito ang mga binitiwang salita sa kanya ni Zeus, ang hepe ng mga diyos-diyosang Griyego sa bundok ng Olympus (ngayon ay mas kilalang tagagawa ng camera) kaya laking tulala niya ng malaman niyang kailangan niyang pumunta sa Pilipinas upang sugpuin ang malawakan at walang habas na pamimirata rito.
Lingid sa kaalaman ni Diana ay naghahanda na rin si Clark Kent na tumungo sa Pilipinas. Ang ama ni Clark Kent na si Jonathan Kent ay may malalim na lihim na ipinagtapat kay Clark Kent at ng malaman niya ito ay agad siyang nagbihis, nakalabas ang brief, bilang Superman at lumipad patungo sa Pilipinas. Iisa ang misyon nila ni Diana Prince.
Paglapag ni Superman ay naghanap kaagad siya ng phone booth upang makapagbihis. Laking gulat niya ng Makita niya na ang mga phone booth sa Pilipinas ay wala ng booth at wala pang phones. Kaya siya ay pumasok sa isang fitting room ng isang mall upang magbihis at magbalik anyo bilang si Clark Kent. Nagbibihis na siya ng mapansin niyang, “Hissssssss, hiiisssssssssss, hisssssssss,” lumingon si Clark kent at nakita niya ang isang taong ahas na nasa loob ng fitting room ng isang sikat na mall! Bumuka ang sahig ng fitting room at kasama ng taong ahas ay papahulog sila sa isang sikretong silid. Agad na hinawakan ni Clark Kent ang taong ahas at pinagbubogbog. Nalaman na lamang ni Clark Kent na ito palang taong ahas ay anak ng Filipino-Chinese na may-ari ng mall.
Paglapag ng eroplano ni Diana Prince ay hindi na siya nag-aaksaya ng panahon. Agad siyang nagimbestiga upang hanapin ang namimirata at panagutin. Nagtungo siya sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya upang makipag coordinate ng kanyang movements at upang malaman na rin niya ang pasikot sikot sa Pinas. Nang matagpuan niya ang hepe ng pulis ay nakita si Clark Kent na iniimbestagahan ng mga pulis. Agad pinakita ni Diana Prince ang ID niya at kinuha sa Custody si Superman. “Clark, ao ginagawa mo ditto?” Tanong ni Diana. “May ipinagtapat sa akin si ama. May kailangan daw akong wakasan sa Pilipinas.” Pabulong na sagot ni Clark Kent. “Nakapagtataka, ganyan din ang sabi sa akin ni Zeus.” Malumanay na sagot ni Diana.
Halika at magstay ka muna sa hotel ko.
Nanood ng TV si Clark Kent at Diana Prince (walang realsyon ang dalawa dahil alam naman ng lhata na dahil sa x-ray vision ni Superman ay nawalan na siya ng gana sa kababaihan, at isap ay dahil na rin sa x-ray niya ay, lihim ito, baog na siya. Si Diana naman bilang Wonderwoman ay matagal ng insinumpa ang pakikipagrelasyon dahil na rin sa style ng bikini niya—pamatay init, kumbaga) ng mapanood nila ang palabas na gumulantang sa kanila: Si Darna at si Capt. Barbell.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalawa at agad na sinugod ang dalawang pirated na Filipino superhero. “Ito angsinabi sa akin ni Jonatahn Kent. Nakita daw niya ang walang habas na pamimirata sa atin ng mga artists kuno na ito.” Nagngingitngit na sabi ni superman. Si Diana ay nakasakay sa likod ni Superman at sumagot ito, “Tama ka. Yan din ang babala sa akin ni Zeus.
Hinarap ni Wonderwoman at Superman si Darna at Capt. Barbell. “Hoy kayo ang kapal naman ninyo. Inagaw ng magaling na amo ninyo ang konsepto mula sa aming boss tapos di nyo man lamang nirecoginze. Nagpambuno ang mga superhero at bandang huli ay nalaman ni Wonderwoman at Superman na hindi sila uubra sa Pilipinas dahil sila ay kinuyog. Nagdatingan ang mga politico at may moves na gawing national artist ng Pilinas si Mars Ravelo, ang pumirata kila, Wonderwoman at Superwoman. Kaliwat kanan ang papuring tinanggap ng walang habas na magongopya at tinatanaw na bayani ng mga Pilipinong ilustrador na susunod sa yapak niya sa galling sa pangongopya. Hindi kailanman kaya nila Wonderwoman at Superman na labanan ang ganitong uri ng kalaban. Hindi uubra ang superpowers nila sa cloning ability ng mga damuho. Kaya sa huli ay luhaang silang umuwi sa America upang ipamalita na doon sa Pilipinas sila ay may clones sila at ang nagclone sa kanila ay tinatanaw pang bayani!
Ang tunay na Superhero ng mga Pilipino ay si Capt. Hook. (With apologies to Capt. Hook.)
Matagal ng pumanaw si Mars Ravelo ngunit hangang ngayon ay buhay pa rin si Darna, Capt Barbell at iba pang mga karakter na nilikha niya na nilikha naman ng iba. Isang patunay lamang na katulad nila Ikabod ang Bubuwit ni Nonoy Marcelo (Mickey Mouse ito) ang pinoy ay magaling sa tinamanan ng magaling.
(Pero sa totoo lamang ang pinakamagaling na medyo orihinal na ilustrador na Pilipino ngayon ay si Pol Medina ng Pugad Baboy. Paborito siya ng barkada kong si Rommel na artists ng campus paper naming. Mayroon siyang collection ng Pugad Baboy books kaya libre basa ako,at talaga namang pagdating sa humor ay da best si Pol Medina. Ok sana ang Darna at Capt. Barbell at iba pang likha ni Mars Ravelo kung ito ay ginawang spoof at hind pinilit na pinangangalandakang authentic pinoy superhero. I mean…comeooooonnnnnnn who are we fooling. neh?)
Aba may Gagambgoy pa…at ano ito may Fantastic Man pa…aba may Leon Guererro pa…aba may Don Kamote dela Mantsa…aba naman may Super Twins pa…at may Dyesebel pa! Kulang na lang budburan ng toner ang mga mangongopyang mga ito upang sila ay talaga namang maging ganap na mga “walking Xerox machines.”
Nasaan si Malakas at Maganda, si Lam-ang at iba pang mga katutubong Superhero natin?
Salikisikin ang ating mga alamat at nandyan ang mga tunay na mga super bayani na kayang hulihin ang imahinasyon at pagka-Asyano at pagka-Pilipino natin.

No comments:
Post a Comment