Nung maliit ako isinasakay ako sa batya ng Ditse ko, si Nori, tapos ipinaanod niya ako dito sa kalyeng ito na nooy madalang pa ang kabahayan. Muntik nga akong lunurin ng ale dahil tumaob yung batya. Maluha-luha si Ditse dahil bigla na lang daw akong nawala sa paningin niya, akala niya inanod at na lunod na ako.
Kasagsagan ng tag-ulan ngayon at katulad ng aking kinamulatan at kinatandaan, ang aming lugar ay taon-taon na lamang, parang regular na regla, binabaha. Pero ngayon ang baha ay di na katulad nung maliliit kami. Kasi noon ay malalim kung bumaha, malalim nga ngunit malinaw-linaw naman ang tubig. Ngayon di na kalaliman kung bumaha kaya lang sandamakmak naman ang hakot na basura ng baha. Mga one week old na diaper na amoy penoy na, mga pasador na parang keso na yung dugo, at mga plastic na di mo alam kung ulo na ng tao yung laman o patay na aso. Ito ay likha na rin ng kabalasubasan ng aming mga walang modo at mga walang pinag-katutunang mga kapitbahay. Karamihan nitong mga nagpapaanod ng mga basurang ito ay iyong mga hindi orihinal na taga sa amin. Yung mga taong walang malasakit sa lugar kasi hindi sila dito lumaki kaya ang pakiramdam nila ay mga taga bundok sila na uupo na lamang sa isang tabi, dudumi at iihi at patuloy na maglalakbay sa paghahanap ng mga ligaw na kamote at mga mahiwagang kabute sa kagubatan ng siyudad. Bakit hindi na lamang manahimik sa probinsya itong mga ito at namnamin ang sarap ng buhay doon. Gusto kasi pera.
Naala-la ko nung maliliit pa kami ng mga barkada ko. Maliligo kami sa baha tapos may dala-dala kaming mga bote ng lapad, yung bote ng Tanduay Rhum. Manghuhuli kami ng mga butete, guppies at yung isang cute na lumalangoy na mataba na may guhit-guhit at may buntot na parang sinulid. Inilalagay namin sila sa boteng lapad na puno ng malinis na tubig ulan. Parang aquarium na ipagmamalaki namin sa mga matatanda. May mga natutuwa at may mga nagugulat. “Ano ba naman yan George, pati ba naman uod sa kubeta hinuhuli niyo!”

Matalino yung isa naming kapitbahay. Ang ginawa niya ay naglagay siya ng maliit na pader sa may pintuan niya upang hindi pumasok ang baha. Epektibo naman kasi napipigil yung tubig. E siguro nakatulugan niya kaya nung tumaas yung tubig pumasok sa bahay niya. Kaya kinabukasan wala ng tubig sa labas ng bahay niya pero sa loob naman ay lubog pa sila. Nag-aalmusal na yung iba niyang kapitbahay eh siya ay naglilimas pa rin. Tinibag naman niya yung pader.
Pag baha na, yung mga kapitbahay ko ay nag-aabang na. Nagtutumpok-tumpok na iyan at pag dumaan yung mga opisyales de barangay ay magpaparinig. “Wala pa?” Ang gagawin ng mga opisyales de baranggay ay magdadala ng yellow paper at papipirmahin doon yung mga mga kulapo. “Hintayin nyo na lang mamaya.” Wika ng mga opisyales de barangay. Maghihintay sila ngunit walang dumating. Kinabukasan ay babanat ang mga opisyales de barangay, “Sabi ni kapitan hindi naman daw malaki ang baha kaya walang relief goods.” Naiintindihan naman ng mga kapitbahay ko. Ang hindi lang nila naiintindihan ay yung mga pirma nila ay nakabili na ng mga multong sardinas, multong instant noodles at multong bigas na paghahatian ng mga opisyales de demonyos ng barangay. Minsan lang naman itong nangyayari, tingin ko.
Minsan ang kapitbahay kung dating pulis ay akala ko ay mamatay sa alta presyon ng pumasok sa pintuan ng bahay niya ang isang sakong basura na inanod ng baha na naglalaman ng isang linggong basura ng di kilala naming kapitbahay. Di ko alam kung ilalabas niya yung baril niya upang hanapin yung may gawa o itututok niya yung baril niya sa ulo niya at magpapakamatay sa inis. Parang megaphone sa lakas ng boses sa pagmumura at parang sabog na kamatis na inugatan ng niyog ang mukha niya sa galit.
Naalala nung nag-iinom pa ako ng alak. Pagganitong tag-ulan ay masarap uminom ng Gin habang umuulan. Minsan ay naginuman kami at nag hihiyawan, nagbabasaan, at nag-iinuman. Ang aming tanggero ay tawa ng tawa kaya kami ay tawa tawa rin ng tawa. Kinabukasan lang namin nalaman kaya pala tawa ng tawa yung tanggero ay dahil yung chaser naming tubig ay sinasalok niya lang sa baha. Wala namang nagtae sa amin, dahil sa alcohol siguro.
Parte na ng buhay namin ang baha. Hmmm…kaya pag nawala siguro ito ay hahanap-hanapin rin namin.
No comments:
Post a Comment